sofia pablo allen ansay
TV

Sofia Pablo and Allen Ansay, overwhelmed sa mga suportang natanggap para sa 'Luv Is: Caught in His Arms'

By Kristian Eric Javier
Sofia Pablo at Allen Ansay, tuwang-tuwa sa mainit na pagtanggap sa 'Luv Is: Caught in His Arms' kahit nagkaroon ng maraming bashers.

Malaki na ang fan base at pinag-uusapan online ang Luv Is: Caught in His Arms, bagay na hindi umano inaasahan ng mga bida nitong sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Ayon sa tambalang kilala sa pangalang Team Jolly, natutuwa sila sa mainit na pagtanggap sa serye nila, lalo na at marami silang naging bashers bago pa man ito magsimula.

Sa interview nila sa podcast na Updated with Nelson Canlas, sinabi nila Sofia, “Kasi nung una po, marami po talagang bashers sa amin ni Allen kasi and kahit sa iba pong cast members. Kasi yong in-imagine po nila sa book is very far daw sa amin, like, sabi po nila we're too young, ganun."

Dagdag pa niya, “Hindi na po kami masyadong nag expect na magiging ganito ka-successful. Kumbaga, ang sabi lang namin kung maging successful, e, 'di congrats sa atin lahat. Ngayon, kung hindi, at least we tried our best.”

Gayundin, ayon kay Allen, hindi nila ine-expect na may nanonood sa kanila na mahigit 30 ang edad, na ikinatuwa naman ng mga bumubuo ng serye.

“'Tsaka nakakatuwa po kasi yong hindi namin ine-expect na 30 above kasi 'yon po talaga yung target namin. Every time may makakita sa amin, 'Ay pinapanuod namin kayo kasama ng mga anak namin,'”

Dagdag ni Sofia, “Natutuwa po kami kasi nagiging family bonding na rin po siya ng mga family sa house nila and sabay sabay silang kinikilig.”

Samantala, binalikan nina Sofia at Allen ang unang pagkakataong nalaman nila ang tungkol sa proyektong ito.

Ayon sa aktres, siya ang unang nakaalam sa kanila ni Allen dahil hindi naman laging hawak ng aktor ang phone nito at sinabihan pa itong i-check ang phone.

“Na-shock po kami pareho lalo na po Wattpad adaptation, so that time po super hindi po kami makapaniwala,” pag-alala ni Sofia.

Dagdag pa niya, “Super overwhelmed po kami and nung una ayaw pa namin maniwala baka hindi pa ito sure.”

Pakinggan dito ang kabuuan ng kanilang panayam sa Updated with Nelson Canlas:

Ang Wattpad ay isang online platform kung saan pwede ibinabahagi ng aspiring authors ang mga kuwentong isinulat nila. Dito nanggaling ang ilang mga pelikula at serye na naipalabas na rin, kasama na ang Luv Is na isang multiple book series.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NILA ALLEN AT SOFIA SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.