Sofia Pablo Allen Ansay
TV

Sofia Pablo, Allen Ansay earn praises for their portrayal in 'Luv Is: Caught in His Arms'

By Jimboy Napoles
Netizen tungkol sa tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay: “I can sense that this love team will also become big.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng kilig series na Luv Is: Caught in His Arms ay mas tumitindi na rin ang mga tagpo partikular na sa buhay ng mga karakter nina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang sina Florence at Nero.

Noong nakaraang linggo, naging madamdamin ang mga eksena sa pagitan ng dalawang bida dahil sa pilit nilang nilalabanan ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Matatandaan na nag-trending ang confrontation scene nina Florence at Nero dahil sa tagos sa pusong mga linya ng una na kung saan sinabi niya na napaglalaruan ni Nero ang kanyang damdamin.

Upang makabawi, nagtungo si Nero sa bahay ni Florence upang humingi ng tawad. Dito ay naranasan niya ang simple pero masayang buhay ng dalaga. Natapos naman ang linggong ito nang magtapat na rin si Florence ng kanyang pagmamahal kay Nero.

Ngunit matapos ang pagiging totoo sa kanilang pag-ibig, sinalubong naman ngayon ng pagsubok ang dalawa dahil sa paglitaw ng tunay na pagkatao ni Florence bilang nawawalang apo ng mga Almero na si Celestina Almero.

Dahil dito, hirap na hirap si Florence na tanggapin ang mga nangyayari sa kanyang buhay pero lagi namang nakaalalay si Nero upang damayan siya.

Kaugnay nito, hinangaan ng maraming netizens sina Sofia at Allen dahil sa kanilang husay sa pagganap sa nasabing serye. Sa katunayan, bumuhos ang papuri sa kanila online mula sa mga nakatutok sa mga madadamdaming eksena.

“Napaka intense ng eksena ni Florence at Nero, ramdam mo talaga 'yung sakit na naramdaman niya kay Nero. Grabe ang acting nila dito at mas nakaka-excite mga susunod pang episode. Saludo ako sa casting nila. Keep on watching, guys!” mensahe ng isang netizen.

“Sofia and Allen's acting - chef's kiss! Undeniable chemistry on and off cam,” dagdag pa ng isang fan.

“Feels like I'm 16, but now I'm actually almost 30 . Nice drama series GMA,” saad naman ng isang netizen na naging avid viewer na ng series.

Marami ring netizens ang bumilib kay Sofia at naniniwalang malayo ang mararating nito sa industriya.

“I am very impressed with Sofia's acting!!!! She will go far in showbiz I am sure as well as the others. Amazing! Akala ko sa Maria Clara at Ibarra lang ako maho-hook pero dito rin pala,” ani ng isang netizen.

“Shook ang galing ni Sofia Pablo. Hindi ko ini-expect acting niya na 'yon huhuhu,” dagdag pa ng isang fan.

Ayon pa sa ilang manonood at fans ng Wattpad novel, perfect choice si Sofia para sa character niya bilang si Florence dahil kuhang-kuha nito kung paano nila naiisip ang nasa libro.

Anila, “Sofia is really the best choice for Florence aside from acting. Sa awrahan talaga nagkakatalo sa mga pa FMV pa lang ng fans dati and Florence of PH is now really the best perfect choice. So far sa lahat ng WATTPAD local female lead character na na-adapt Sofia as FLORENCE is really the BEST PORTRAYAL characterization from wattpad fiction.

“Mas maganda pa sana if ever mataray talaga siya at mayaman from the start kasi kuhang-kuha nya talaga from head to toe. For other cast here, yes they really are suits too. Isa sa mga pinaka-malapit na characters na Wattpad turn into real life kasi lahat nandun sila even the Aristotle.”

Hanga rin ang isang fan sa pagiging effective love team nina Sofia at Allen. Aniya, “Napaka-galing talaga ni Sofia Pablo, umarte. To be honest, KathNiel fan ako ha, but this loveteam never fails to make me feel kilig which I couldn't find it with other love teams out there in this generation. Just only them.”

Dagdag pa niya, tiyak na mas sisikat pa ang dalawa gaya ng ibang mga love teams.

“I CAN SENSE THAT THIS LOVETEAM WILL ALSO BECOME BIG. Grabe ramdam ko yung kilig and good vibes sa wattpad series adaptation na 'to. Never thought that after Kathniel, David and Barbie, e, ito ring dalawang 'to ang kina-aaliwan kong panoorin. Kudos to the Luv Is: Caught in His Arms team, sobrang beyond my expectations 'to,” saad nito.

Samantala, kamakailan ay kinilala rin bilang 'Most Promising Loveteam of the Year' sina Sofia at Allen sa ginanap na Global Trends Business Leaders Awards 2023. Bukod dito, sila rin ang naging cover stars ng local magazine na FreebieMNL Spotlight sa kanilang February 2023 issue.

Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.