Luv is: Caught in His Arms: Saving Nero's birds | Week 2
Sa ikalawang linggo ng Luv is: Caught in His Arms, unti-unti nang nakikilala ni Florence si Nero, ang isa sa limang apo ni Don Ferell.
Nadiskubre ni Florence ang kulungan ng mga kalapating inaalagaan ni Nero ilang metro lamang ang layo sa kanilang mansion. Dahil dito, inisip ni Florence na baka si Nero ang nagpapadala sa kanya ng love messages gamit ang kalapati.
Sa sumunod na araw, nag-request naman si Lolo Garp na magluto si Florence ng chopsuey pero kinakailangan niya pang kumuha ng fresh vegetables sa Ferell's farm. Dahil dito, sinabi ng Don na papasamahan niya si Florence kay Nero.
Dito na naisip ni Florence na pagkakataon niya na upang mas makilala si Nero. Habang nasa sasakyan, sinadya ni Florence na maging madaldal upang subukan kung magkukuwento rin si Nero, pero failed ang plano ng dalaga dahil nagsusungit pa rin ang binatang amo.
Pagdating sa farm, nakilala ni Florence ang dalawang tagapangalaga ng farm na sina Dante at Nida na parehong close kay Nero. Tinulungan sila nitong makakuha ng mga gulay na kanilang lulutuin. Habang namimitas ng gulay, naalala ni Nero ang kanyang yumaong ama. Matapos ito, nagkuwento na rin si Nero kay Florence at sinabing rambutan ang kanyang paboritong prutas.
Sa sumunod na gabi, habang nagkukuwentuhan si Florence at Lolo Garp, tinanong ng una ang huli kung nasaan ang mga magulang ni Nero. Sinabi naman ni Lolo Garp na namatay sa aksidente ang ama ni Nero. Doktor kasi ang parehong magulang ni Nero at nagkaroon ang mga ito ng medical mission sa isang barrio. Dahil ayaw ni Nero na mag-stay sa barrio, pinilit niya ang kanyang ama na dalhin siya sa kanyang mga pinsan. Habang nasa biyahe, dito na naaksidente ang kanilang sinasakyan. Sinisi si Nero ng kanyang ina sa pagkamatay ng kanyang ama at iniwan na siya sa kanyang Lolo Garp.
Naawa naman si Florence kay Nero kung kaya't naisip niyang sopresahin ito ng isang kahon ng rambutan. Iiwan sana ni Florence ang mga rambutan sa kulungan ng mga kalapati nang bigla na lamang magkaroon ng short circuit na naging mitsa ng apoy. Susubukan pa sanang iligtas ni Florence ang mga kalapati pero mabilis na kumalat ang mga apoy.
Imbes na masorpresa, nagalit pa si Nero kay Florence dahil sinisi niya ito sa pagkasira ng bahay at pagkamatay ng mga kalapati.
Dahil sa nangyari, nagdesisyon si Florence na mag-resign na sa kanyang trabaho pero pinigilan siya ni Lolo Garp. Kinausap din nito si Nero na patawarin na si Florence sa kanyang nagawa.
Nakinig naman si Nero sa kanyang lolo at tinanggap ang sorry ni Florence pero humingi ito ng tatlong kondisyon sa dalaga.
Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng email si Rogelio tungkol sa posibleng itsura ng kanyang apo na nawawala 17 years ago pa. Makikita sa ipinadalang larawan na ang bata ay kamukhang-kamukha ni Florence.
Balikan ang kilig episodes sa Luv is: Caught in His Arms sa mga video sa ibaba:
Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 6 (January 23, 2023)
Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 7 (January 24, 2023)
Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 8 (January 25, 2023)
Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 9 (January 26, 2023)
Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 10 (January 27, 2023)