Luv is: Caught in His Arms: Prima Kusinera meets the Ferells | Week 1
Sa nagdaang pilot week ng Luv is: Caught in His Arms, ipinakilala na ang karakter ni Sofia bilang si Florence Dela Cruz -- ang masipag at mabait na anak nina Frederico at Lydia na ginagampanan naman nina Gio Alvarez at Denise Joaquin.
Nang magkasakit si Frederico, minabuti ni Florence na mamasukan bilang cook sa mansion ng mga Ferell upang kumita ng malaking pera. Ang mansion ay pagmamay-ari ni Don Ferell o Lolo Garpido na binibigyang buhay ng beteranong aktor na si Ariel Ureta.
Sa una, inakala ni Florence na mga bata ang pagsisilbihan niya sa nasabing mansion, ang hindi niya alam ay limang mga binata pala ang kanyang ipagluluto.
Ang nasabing mga binata ay ang magpipinsan na Ferell na sina Nero, Owen, Tristan, Aldus, at Troy na ginagampanan nina Allen Ansay, at Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, labis na pinahirapan ng Ferell cousins si Florence sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahihirap na lutuin na kanyang ihahanda.
Dahil sa mapapait na rejections na natanggap kina Troy, Tristan, at Aldus, nagdesisyon si Florence na umalis na sa mansion.
Pinigilan naman siya ni Lolo Garp at inalok na pag-aaralin siya sa kanyang dream university, ang Gyronella University.
Labis naman na na-excite si Florence sa balitang ito kung kaya't minabuti niyang manatili muna sa mansion at tiyagain muna ang Ferell cousins.
Sa kabila naman ng hirap na kanyang nararanasan, nakakuha naman ng inspirasyon si Florence dahil sa mga love messages na dumarating sa kanyang kuwarto na dala ng mga kalapati.
Balikan ang kilig episodes sa Luv is: Caught in His Arms sa mga video sa ibaba:
Luv is: Caught in His Arms: Meeting the notorious Ferell Cousins | Episode 1
Luv is: Caught in His Arms: Welcoming Florence, the Ferell style | Episode 2
Luv is: Caught in His Arms: The silence at Ferell mansion | Episode 3
Luv is: Caught in His Arms: Finding the mystery dove sender | Episode 4
Luv is: Caught in His Arms: The secret of my silent hero | Episode 5