Michael Sager
TV

Michael Sager used to work as an ice cream scooper in Canada before entering showbiz

By Jimboy Napoles
Alamin ang naging buhay ni Michael Sager sa Canada bago pasukin ang showbiz industry sa Pilipinas, DITO:

Isa sa nagpapakilig ngayon sa bagong GMA Primetime series na Luv is: Caught in His Arms ay ang Sparkada member at isa sa newest Kapuso heartthrobs na si Michael Sager.

Gumaganap si Michael bilang si Sean Owen Ferell ang isa mga apo ng mayamang pamilyang Ferell na pinagsisilbihan ng Prima Kusinera na si Florence na ginagampanan naman ng next generation leading lady na si Sofia Pablo.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang naging buhay bago niya pasukin ang pag-a-artista.

Bata pa lamang siya nang piliin ng kanyang mga magulang na sa bansang Canada na manirahan, kung kaya't dito na siya lumaki at nag-aral.

Ayon kay Michael, marami siyang natutunan sa pagtira nila sa Canada lalo pa't bata pa lamang siya ay na-expose na siya sa ilang corporate field.

Aniya, “I think my life in Canada taught me many things po for sure I can say that I don't know if advantage siya but siguro mas aware ako on how work goes because sa Canada kasi you really work on more professional field, at a younger age naka-set na yung mga rules mo, mga kailangan mong gawin.”

Ibinahagi din ng newbie actor na nagtrabaho rin siya noon bilang ice cream scooper upang matustusan ang kanyang mga personal na pangangailangan.

Kuwento niya, “I started working when I was 16, my first-ever job, ano po ako non e, ice cream scooper and then I eventually become sales associate sa isang store.“

Dagdag pa ni Michael, lahat ng kanyang natutunan dito ay nagagamit niya rin ngayon nang pumasok na siya sa show business.

“So parang natuto ako how to deal with people, customer service and sa mga bosses so parang trinanslate ko lang po 'yun na 'yung how we talk to customers parang just how we talk to one another like always happy, always open and friendly lang po so nagamit ko po talaga 'yun pag-uwi ko,” ani Michael.

Taong 2022 nang i-launched si Michael bilang bahagi ng Sparkada ang grupo ng mga bago at young talents ng Sparkle GMA Artist Center.

Ang Luv is: Caught in his Arms ay ang itinuturing na big break ni Michael sa kanyang showbiz career kung saan napapanood pa siya sa primetime.

“Well it's great po I mean not everybody has given a chance to be launched in a group such as Sparkada and for me it really helped me kasi when you're entering a new industry, a new work its so hard kapag wala kang kilala yung nangangapa ka but with my Sparkada parang family ko and parang together kami pumasok so if meron kaming things that we don't know what to do kung kailangan ng tulong we're there for one another so that really helped me,” aniya.

“And to be part of the Kapuso family it's just great, it's always an honor kasi number one po ang GMA so to be saying na, 'Kapuso ako,' talagang nakaka-proud,” pagpapatuloy niya.

Subaybayan ang Luv is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.

KILALANIN SI MICHAEL SAGER SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.