World premiere ng 'Luv is: Caught in His Arms,' trending online!
Trending topic online ang world premiere ng bagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms, Lunes ng gabi, January 16, 2023.
Ang naturang serye ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios. Ito ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel na Caught in His Arms na first-ever primetime series din ng tinaguriang next generation leading lady at leading man na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Sa Twitter, sari-saring positibong reaksyon ang ibinigay ng netizens nang mapanood ang pilot episode ng serye.
Ayon sa ilang netizens, natutuwa sila dahil na-maintian ng production ng series ang mga eksena ng kuwento mula sa Wattpad novel.
“Siguro I'm not the only one who doubted the adaptation at first but after seeing the pilot episode I could say that GMA really did their best to maintain what's originally written in the book,” komento ng isang netizen.
Siguro I'm not the only one who doubted the adaptation at first but after seeing the pilot episode I could say that GMA really did their best to maintain what's originally written in the book. #LuvIsCaughtInHisArms #CaughtInHisArmsPremiere
-- 𝒩𝒾𝒸ℴ𝓁ℯ (@lavienrosealee) January 16, 2023
Dagdag naman ng isang fan, “Sobrang ganda nga talaga ng Episode 1. We can already see similarities with the book and parang may mga scenes na alternate universe ganern. The acting, cinematography, setting, & wardrobe are all on point. Grabe, kudos to GMA!”
Sobrang ganda nga talaga ng Episode 1. We can already similarities with the book and parang may mga scenes na alternate universe ganern. The acting, cinematography, setting, & wardrobe are all on point. Grabe, kudos to GMA! #CaughtInHisArmsPremiere#CaughtInHisArmsFirstFlight
-- m (@mazilahreign269) January 16, 2023
Sinusuportahan naman ito ng isa pang netizen. Aniya, “Ang ganda ng pagkakaayos ng mga scenes no? especially doon sa scene sa kitchen, sa dining area, the mansion!! and also the entrance of Ferells, kudos!”
ang ganda ng pagkakaayos ng mga scenes no? especially doon sa scene sa kitchen, sa dining area, the mansion!! ang also thr entrance of ferells, kudos!!#CaughtInHisArmsPremiere
-- veera (@veeravca) January 16, 2023
Sa naturang episode, ipinakilala na ang karakter ni Sofia bilang si Florence Dela Cruz ang masipag at mabait na anak nina Frederico at Lydia na ginagampanan naman nina Gio Alvarez at Denise Joaquin.
Nang magkasakit si Frederico, minabuti ni Florence na mamasukan bilang cook sa mansion ng mga Ferell upang kumita ng malaking pera. Ang mansion ay pagmamay-ari ni Don Ferell o Lolo Garpido na binibigyang buhay ng beteranong aktor na si Ariel Ureta.
Sa una, inakala ni Florence na mga bata ang pagsisilbihan niya sa nasabing mansion, ang hindi niya alam ay limang mga binata pala ang kanyang ipagluluto.
Ang nasabing mga binata ay ang magpipinsan na Ferell na sina Nero, Owen, Tristan, Aldus, at Troy na ginagampanan nina Allen Ansay, at Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Sa teaser ng ikalawang episode ng series, ipapakita ang first day of work ni Florence sa mansion kasama ang Ferell brothers.
Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits, channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.
SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: