Luv is caught in his arms
TV

'Luv is: Caught in His Arms' cast, grateful sa kanilang first kilig series sa GMA

By Jimboy Napoles
Mapapanood na ang 'Luv is: Caught in His Arms' ngayong January 16 sa GMA Telebabad.

Happy and confident na humarap sa press ang cast ng upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms para sa kanilang media conference na isinagawa ngayong Miyerkules, January 11, 2023.

Sa naturang event, magkasamang dumalo ang mga bida ng series at tinaguriang this generation's love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kasama nila rito ang ilang miyembro ng Sparkada boys at next generation leading men na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria at Sean Lucas.

Present din ang ilan pa sa cast na Sparkada girls na sina Cheska Fausto, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.

Nagpahayag naman ng kanilang suporta sa cast at sa series ang ilan sa GMA executives na sina Senior Assistant Vice President for GMA Drama na si Cheryl Ching-Sy at Assistant Vice President for GMA Drama na si Helen Rose Sese.

Ang nasabing series ay ang first collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios na TV adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo na Caught in His Arms.

Ang Luv is: Caught in His Arms ay ang first-ever primetime series ng Sparkle sweethearts na sina Sofia at Allen.

Sa kanilang panayam, emosyonal na nagpasalamat ang dalawa sa isa't isa dahil sa malaking achievement na nakuha ng kanilang tambalan.

“Happy ako kasi siya 'yung naging partner ko and hindi ko ma-imagine 'yung sarili ko na na nandito sa sitwasyon na 'to o where I am right now kung hindi siya 'yung naging ka-partner ko,” ani Sofia kay Allen.

“Ako naman, kung ano mang meron po kami ngayon na kami lang ang nakakaalam, ayoko po itong mawala, ayoko siyang mawala,” maluha-luha na sinabi ni Allen.

Matapos naman ang media conference, nagkaroon ng special preview ang cast para sa first and second episode ng series na napanood din ng ilan sa mga TikTok influencers at fans nina Sofia at Allen na Team Jolly.

Team Jolly fans, sinuportahan ang media conference at special preview ng 'Luv is: Caught in His Arms' para kina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms goosebumps trailer dito:


Abangan ang Luv is: Caught in His Arms, ngayong January 16 na sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS DITO

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.