'Luv is' music video feat. VXON, Zephanie and 'Caught in his Arms' cast earn praises online
Dalawang araw matapos ilabas ang official music video ng "Luv is" ay agad itong nakakuha ng mahigit sa 100 thousand combined views sa social media at patuloy pa na umaani ng papuri mula sa netizens.
Ang 'Luv is' ay theme song ng upcoming GMA series na Luv is: Caught in his Arms na isinulat at inawit ng rising P-pop group na VXON kasama ang Kapuso diva at tinaguriang This Generation's Pop Princess na si Zephanie.
Sa nasabing retro vibe music video mapapanood ang intense dance moves ng VXON kasama si Zephanie habang inaawit ang "Luv is." May patikim na kilig moments naman ang bida ng series at kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Refreshing din sa mata ng fans ang kulitan ng Sparkada na spotted sa music video kasama sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.
Sa YouTube, nakatanggap ng maraming positive comments ang nasabing music video mula sa netizens.
"Napaka-eye candy ng MV as expected sa VXON pero grabe ang ganda din ng chemistry nila kay Zephanie..Ang sarap din sa mata nung mga cast. Galing!," ani ng isang netizen.
"Ganda ng mv!! ganda ng quality super sarap sa mata. Pogi ng VXON, super ganda ni Zephanie, at grabe ang visual ng Sparkada," dagdag ng isang fan.
Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang quality ng music video na mapapanood in 4k resolution. Mas mataas pa ito kumpara sa standard high definition quality ng isang digital material.
"'Yung high quality MV tsaka color grading perfect. Transitions at camera works, saludo sa director at production team ng music video," papuri ng isang netizen.
Sa Facebook, nakakuha rin ng magagandang komento mula sa viewers ang VXON, si Zephanie, at ang Luv is: Caught in his Arms cast.
"A very beautiful MV of 'Luv is.' The concept, the choreography and the visual are just cute. Retro vibes talaga ang naramdaman ko sa MV. Just like one scene of SB19's WYAT music video. With a sprinkle of kilig and fun with Team Jolly and Sparkada just completed the package of their MV. Can't wait to see the show," mensahe ng isang netizen.
"Huyy music video pa lang ang ganda na shuteeekk," ani ng isang fan.
Marami na rin ang nagaabang sa premiere ng series nang mapanood ang kilig music video.
"Wow aabangan ko talaga to first time kasi gumawa ang GMA ng Wattpad [series] e, kaabang-abang talaga lalo na ang fresh artists ng GMA na Sparkada. Aabangan ko talaga sila lahat," usisa ng isa pang netizen.
Bukod sa YouTube, Facebook, Twitter, at Instagram, maaari ring mapanood ang music video sa TikTok at sa GMANetwork.com.
Ang nasabing series ay first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios na TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms."
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: