The biggest LUV event: 'Luv Is: Caught in His Arms' Grand Fans Day
Dinagsa ng supporters ng 'Luv Is: Caught in His Arms' actors ang ginanap na Grand Fans Day ng programa nitong Biyernes, February 24, sa Liwasang Aurora Amphitheater sa Quezon Memorial Circle, Quezon City.
All-out ang naging suporta ng fans dala ang kanilang banners at memorabilia. Present ang Team Jolly fans nina Sofia Pablo at Allen Ansay at maraming Kapuso Brigade members. Hindi rin nagpahuli ang fans ng Ferell cousins na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas. Gayundin ang mga taga-suporta ng Sparkada stars na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.
Bukod sa kanilang kilig performances, iba't ibang palaro rin ang inihandog ng cast para sa kanilang fans.
Balikan ang mga kaganapan sa 'Luv Is: Caught in His Arms Grand Fans Day' sa gallery na ito.
Grand Fans Day
Kumpleto ang lead cast ng 'Luv Is: Caught in His Arms' sa kanilang Grand Fans Day bilang pasasalamat sa kanilang fans at taga-suporta ng kanilang serye.
Thankful
Masaya ang cast na makita ang kanilang fans at personal na magpasalamat sa mainit nilang pagtangkilik sa serye simula pilot episode.
Team Jolly
All-out din ang suporta ng Team Jolly fans nina Sofia Pablo at Allen Ansay na nakasuot pa ng kanilang fan shirts.
Solid Fans
Masayang-masaya ang maraming taga-suporta ng 'Luv Is: Caught in His Arms' nang personal na makita ang kanilang mga iniidolong young actors sa ginanap na Grand Fans Day.
Ferells
Enjoy na enjoy din ang Ferell boys na sina Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Vince Maristela na ma-meet ang kanilang fans.
G.U. Angels
Looking fresh naman ang Sparkada stars na sina Tanya Ramos, Caitlyn Stave, Kirsten Gonzales, at Cheska Fausto.
Vince Maristela and Cheska Fausto
Unang nagpakilig ng maraming 'Luv Is: Caught in His Arms' fans sina Vince Maristela at Cheska Fausto, na gumaganap bilang sina Tristan Ferell at Camille Villarico.
Michael Sager and Caitlyn Stave
Tinilian at kinakiligan din ng maraming fans ang song number nina Michael Sager at Caitlyn Stave.
Raheel Bhyria and Tanya Ramos
Cool na cool namang nagpasaya ng kanilang fans sina Raheel Bhyria at Tanya Ramos.
Sean Lucas and Kirsten Gonzales
Isang makulit pero nakakikilig na song performance din ang inihandog nina Sean Lucas at Kirsten Gonzales sa kanilang fans.
Michael Sager
Nagpasalamat din si Michael Sager sa kanyang solid fans na dumalo sa nasabing fans day.
Sager fans
Bitbit ng fans ni Michael Sager ang kanilang banners at memorabilia para ipakita ang pag-suporta sa aktor.
Games
Nagpalaro din ang cast sa kanilang fans kung saan nakakuha ng regalo mula sa 'Luv Is: Caught in His Arms' ang mga nanalo.
Kulitan with Sparkada girls
Sinulit ng Sparkada girls ang kanilang oras upang makipagkulitan sa fans.
Kilig with Ferell boys
Effortlessnamang nagpakilig ang Ferell boys na talagang inabangan ng kanilang mga taga-suporta.
Allen Ansay
Malakas na sigaw at palakpakan ang sumalubong sa next generation leading man na si Allen Ansay nang siya ay magpakita sa fans habang inaawit ang kanyang song number.
Thanking fans
Mataas man ang stage, pinilit pa rin ni Allen Ansay na maabot ang mga kamay ng kanyang fans at personal na magpasalamat sa mga ito.
Sofia Pablo
Gaya sa kanyang on-screen partner na si Allen Ansay, malakas na hiyawan din ang sumalubong kay Sofia Pablo, ang tinaguriang next generation leading lady at lead star ng 'Luv Is: Caught in His Arms.'
Greeting fans
Taos-puso rin ang pasasalamat ni Sofia Pablo sa kanyang fans na dumalo sa nasabing Grand Fans Day.
Florence and Nero
Matapos ang kanilang solo performances, nagkaroon din ng duet sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang Florence at Nero.
Kilig performance
Dalang-dala nina Sofia Pablo at Allen Ansay ang buong Liwasang Aurora Amphitheater sa kanilang kilig performance.
Face to face
Tinilian ng maraming fans ang sweet na face-to-face nina Sofia at Allen habang inaawit ang kilig song na “No Erase.”
Closer
Alam na alam din ng dalawa kung paano mas pakikiligin ang fans nang mas maglapit pa ang kanilang mukha bago tapusin ang kanilang song number.
Zephanie
Bukod sa cast, sorpresang guest din ang Kapuso singer na si Zephanie na inawit ang isa theme song ng series na “Can This Be Love.”
Pasasalamat
Nag-uumapaw at buong-puso ang pasasalamat ng 'Luv is: Caught In His Arms' actors para sa mga dumalo sa Grand Fans Day.
Interview
Agad naman na sumalang sa interview para sa '24 Oras' ang lead stars ng 'Luv is: Caught in His Arms' na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
The Crew
Very proud na sumama sa photo opp ang ilan sa production heads ng serye at cast ng 'Luv is: Caught In His Arms.'