'Love At First Read' will reveal exciting twists nearing its finale
Mula sa pagiging hit Wattpad novel, matagumpay din ang naging TV series adaptation ng kilig story na Love At First Read na isinulat ng Filipino author na si Chixnita.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng Sparkle love team na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, na gumaganap bilang sina Kudos at Angelica.
Ang kuwento ng nasabing mga karakter na minahal ng maraming Wattpad readers ay minahal din ng maraming TV audience, at netizens online.
Sa nalalapit na pagtatapos ng kilig series, maraming exciting twists pa ang dapat abangan sa kuwento nina Kudos at Angelica.
Malaman na kaya ni Kudos na ang minamahal niyang si Angelica ay siya ring may-ari ng diary na si Abby?
Pero paano matutuloy ang kanilang love story kung nasa eksena pa ang TOTGA ni Kudos na si Hazel at ang manliligaw ni Angelica na si Train na siya bestfriend din ng una?
Maniwala pa kaya sila sa meaning ng love at first read?
Bukod sa MavLine, napapanood din sa series ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Josh Ford, Bruce Roeland, Mariel Pamintuan, Larkin Castor, at Gueco twins na si Kiel at Vito Gueco.
Ang Love At First Read ay ang second installment sa Luv Is series, na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.
Tutukan ang last kilig ten days ng Love At First Read, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.
SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: