In the world of the supernatural, hindi nauubusan ang mga Pilipino ng mga stories that pertain to Engkantos, mga creatures na nabubuhay sa imagination—at sa mga kasuluksulukan ng mundo ng mga tao. What we don't know is that mas malapit pala ang mga Engkanto kesa sa ating inaakala. And it is one of them who will begin this story of fantasy and love—ang Luna Mystika.
Kasama sa Luna Mystika ang ilan sa mga most promising stars ng bansa, isang riveting storyline, at ang pinakamagagaling na director, para maghandog ng palabas na makaka-captivate sa fascination ng bawat Pilipino. At natatampok bilang mga bida sina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez, dalawang stars of their own right, na magtatambal sa unang pagkakataon dito sa programang ito.
Si Heart ang gaganap sa dual roles nina Luna at Celestina; ang una ay isang mabait na babeng ipinanganak na may pangit na mukha, at ang pangalawa naman ay ang kanyang misteryosang kakabal na sa gabi lamang natutunghayan. Mark Anthony naman is Dexter, isang lalaking bibihagin ang puso nina Luna at Celestina.
Magsisimula ang story sa outskirts ng Baryo Mausok, isang bayan kung saan naniniwala ang mga tao sa mga Engkanto. Dito nakatira ang Sagrado Family—sina Joaquin, Benita, and their lovely children Alice and Diana. Ang kagandahan nina Alice at Diana ay walang katulad, at ang mga kalalakihan ay talaga namang mabilis mabighani ng mga dalaga. Pero mas maraming nabibihag na puso si Diana, at hindi dito natutuwa si Alice. At tuluyang nagalit si Alice sa kanyang kapatid, ng ang boyfriend nitong si Dominic ay na-in love kay Diana. And while Diana has her choice of many suitors, her heart belongs to only one man. In love siya sa pangit na si Simon, isang misteryosong lalaking pinaghihinalaan na Engkanto.
Sa pagkalat ng balitang magkasintahan na sina Diana at Simon, gagawin nina Joaquin at Benita ang lahat upang mapaghiwalay sila. But it is too late, buntis na si Diana. Para makatakas mula sa kanyang mga magulang, sasama si Diana kay Dominic papuntang Manila, na lalong ikagagalit ni Alice. Agad makikita na kambal ang magiging anak ni Diana, kaya naman laking gulat ng lahat ng isang bata lang ang lumabas sa sinapupunan nito. Ang hindi nila alam, may isinilang pang isang sanggol si Diana, isang anino na papangalanang Celestina. She is the shadowy, darker twin - a contrast in both looks and temperament to her sister Luna. Dito na magsisimula ang kwento ni Luna Mystika.
Sa pag-iwan ni Diana kay Luna sa poder ni Dominic, dadalhin nito ang bata pabalik sa pamilyang hindi niya kilala, the Sagrados. At sa kanyang pagbabalik sa Bayang Mausok, makikilala niya ang mga taong magbabago ng buhay niya: ang anak ng albularyong si Andoy, at ang bulag na batang mahuhulog ang loob sa kanya na si Dexter. Kasama pa rin ni Luna si Celestina sa kanyang paglaki; pero nahahaluan na ito ng inggit. Gusto na rin niyang magkaroon ng sariling katawan. At dahil sa isang magial fruit sa loob ng forest, Celestina gets her wish. Each night makukuha niya ang katawang kanyang mithi, na babawiin ni Luna sa tuwing sisikat ang araw. At sa pagbabalik ni Dexter sa Bayang Mausok, pipilitin ni Luna na si Celestina ang makita ng binata, dahil ito'y natatakot na hindi mahalin ni Dexter dahil sa kanyang anyo. But will Dexter fall for it? Magiging dahilan ba siya ng pag-aaway nina Luna at Celestina?