'Lovers & Liars' viewers, nag-aabang na sa finale ng serye
Sa finale episode ng Lovers & Liars ngayong Huwebes (January 11), paniguradong mapapakapit ang mga manonood sa mga magaganap pa sa kuwento.
Noong Miyerkules, nalaman na ni Trina (Sarah Edwards) ang pagtataksil ng inang si Elizabeth (Ara Mina) sa kaniyang yumaong ama na si Ramon Laurente, na lubos niyang ikinagalit dahil ang buong akala niya ay iniwan sila ng ama para sa ibang babae.
Inamin na rin ni Trina na siya ang pumatay sa sariling ama. Paano kaya makukuha ni Via (Claudine Barretto) ang hustisya para sa yumaong asawa?
Matagumpay naman na nailigtas nina Joseph (Rob Gomez) at Caloy (Yasser Marta) si Hannah mula kay Victor (Christian Vazquez). Naaresto na rin si Victor sa salang pagpatay kay Kelvin (Kimson Tan).
Pero tila hindi pa rito matatapos ang kuwento dahil base sa teaser na inilabas ng serye ay makakalaya ito at malalagay naman sa panganib ang buhay ni Via.
Samantala, maraming netizens na ang nag-aabang sa finale episode ng Lovers & Liars.
Ohmy!!😲 VICTOR!! Wag si Via! 😤😤😡#LoversLiars pic.twitter.com/wOd99P6J2F
-- Gha-ell Cherweg Kim (@flordeluna_JDB) January 10, 2024
Huling Gabi! #ViaLaurente #Claudinebarretto #LoversLiars #LLFinale https://t.co/O7CKenip3D pic.twitter.com/lf4NjP1w35
-- beng bart (@bengzy29) January 10, 2024
Si trina pala pumatay sa daddy nya, ibinitang lang kay via.#LLConfession
-- KB-ENCA Edgar Villanueva (@EdgharVillanue1) January 10, 2024
KapusoBrigade@encabattalionkb
Ano ba via, bakit di mo bigyan ng another chance si martin, malay mo kayo rin pala magkakatulutan sa bandang huli.#LLConfession
-- KB-ENCA Edgar Villanueva (@EdgharVillanue1) January 10, 2024
KapusoBrigade@encabattalionkb
Via: "Ilalaban ko to (Pacifica)"
-- Gha-ell Cherweg Kim (@flordeluna_JDB) January 10, 2024
Sasamahan ka namin sa laban mo Via 💁 hanggang sa dulo 💪#LoversLiars #LLConfession #ClaudineBarretto #ViaLaurente pic.twitter.com/Z0JcodnVF6
Huwag palampasin ang huling gabi ng Lovers & Liars ngayong Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA Prime.
Panoorin ang full episode 31 ng Lovers & Liars sa video sa ibaba:
BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: