rob gomez
TV

Rob Gomez, first time gagawin ang gay role sa 'Lovers/Liars'

By Aimee Anoc
Na-challenge daw nang husto si Rob Gomez sa kanyang role sa 'Lovers/Liars': "This will be the hardest, far away from my personality."

Talaga namang challenging para kay Rob Gomez ang gagawin niyang role sa Lovers/Liars, ang pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap sa isang gay role si Rob Gomez sa isang serye. Magkakaroon ng love triangle ang aktor sa pagitan nina Michelle Vito at Polo Ravales.

Sa Lovers/Liars, makikilala si Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso, isang medical sales representative. Nadiskubre niya na nagkaroon siya ng anak sa ex-girlfriend na si Andrea (Michelle Vito). Mayroon mang nararamdaman para kay Andrea pero nasa isang sikretong relasyon na siya kay Ronnie (Polo Ravales), isang cardiologist.

Sa interview ng GMANetwork.com, inilarawan ni Rob kung gaano ka-challenging para sa kanya ang role niya sa Lovers/Liars.

"I think, it's gonna be an 11 out of 10. This will be the hardest, most complex. Far away from my personality. And, I'm excited for this journey," sabi ni Rob.

Ito man ang unang beses na mapapasabak siya sa isang gay role, ani Rob, excited na siya sa maipapakita sa serye.

"Ibang klaseng role po talaga," sabi ni Rob. "Yes, it's my very first time. At napakagaling po ni Polo Ravales at ni Michelle Vito.

"I'm always up for the challenge. Ngayon ay sobrang excited ko na po kung paano ko talaga siya maipapakita and kung paano maaapektuhan 'yung mga character namin sa istorya."

Sa naganap na media conference ng Lovers/Liars, ibinahagi ni Rob na magkakaroon sila ng intimate scene ni Polo sa serye.

"Actually, kakagawa lang po namin," pabirong sabi ni Rob. "Ginalingan ko po."

Nang kumustahin ang eksena kasama si Polo, agad na sagot niya, "Intense po... Ako po, pinawisan din ako, grabe."

Ayon kay Rob, hindi naging "awkward" para sa kanila ni Polo ang paggawa ng eksenang ito.

"He's so game. Parang kuya na nga po 'yung respeto na ibinibigay ko sa kanya. Hindi talaga naging awkward."

Makakasama rin nilang bibida sa Lovers/Liars sina Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Kimson Tan, Sarah Edwards, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.

Abangan si Rob Gomez sa Lovers/Liars simula November 20, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG LOVERS/LIARS SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.