'Lovers/Liars' unveils 3 beautiful stories woven with secrets on GMA Telebabad this November 20
Ngayong Nobyembre, masasaksihan ang tatlong kuwento ng pag-ibig na nababalot ng sikreto at kasinungalingan.
Hindi maitatangging maraming netizens na ang excited para sa pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars.
Pagbibidahan ang non-conventional, triple-plot drama series na ito nina Optimum Star Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.
Makikilala si Claudine bilang Via Laurente, CEO ng isang malaking real estate company na magkakaroon ng relasyon sa batang arkitekto ng kanyang kompanya na si Caloy Marasigan, na gagampanan ni Yasser Marta.
Lubos namang maaapektuhan sa relasyong ito ang TOTGA ni Caloy na si Nika Aquino, na gagampanan ni Shaira Diaz.
Mapapanood si Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso, isang medical sales representatives na determinadong makapag-ipon para sa pinapangarap na pamilya.
Nadiskubre niya na nagkaroon siya ng anak sa ex-girlfriend na si Andrea "Andeng" Segreto, na gagampanan ni Michelle Vito. Mayroon mang nararamdaman para kay Andrea pero nasa isang sikretong relasyon na si Joseph--kay Ronnie, isang cardiologist, na gagampanan naman ni Polo Ravales.
Isa pang matapang na pagganap ang masasaksihan kay Lianne Valentin na makikilala bilang Hannah Salalac, bread winner at piniling huminto ng pag-aaral para masuportahan ang kanyang pamilya.
Naging isang walker at ngayon ay babae na ni Victor Tamayo, mayaman at mula sa makapangyarihang pamilya, na gagampanan ni Christian Vazquez. Makikilala at iibig si Hannah kay Kelvin Chong, na bibigyang buhay ni Kimson Tan, na nangakong bibigyan siya ng magandang buhay.
Ang Lovers/Liars ay mula sa direksyon ni Crisanto Aquino at likha nina Jose Javier Reyes at Noreen Capili.
Abangan ang world premiere ng Lovers/Liars ngayong November 20, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.