TV

WATCH: Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, may mensahe sa mga nanood ng 'Love You Two' pilot episode

By Marah Ruiz
Updated On: April 23, 2019, 05:43 PM
Lubos ang pasasalamat nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, ang lead stars ng pinakabagong romantic comedy series na 'Love You Two,' sa lahat ng tumutok sa first episode nito kagabi, April 22.

Lubos ang pasasalamat ng lead stars ng pinakabagong romantic comedy series sa GMA Telebabad Love You Two sa lahat ng tumutok sa first episode nito kagabi, April 22.

Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado
Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado

Isang maikling video ang ibinahagi ni Gabby Concepcion sa kanyang Instagram account kung saan nagbigay sila ni Jennylyn Mercado ng mensahe sa mga nanood ng kanilang pilot episode.

"Ayan po mga Kapuso, maraming salamat at nanood kayo ng pilot ng Love You Two," ani Gabby sa video.

"Thank you po. Maraming salamat sa lahat ng mga tumutok kanina," pahayag naman ni Jennylyn.

"Makakatulog na ho kayo. Good vibes! Matulog na kayo nang maaga. Good vibes po. Gabi-gabi magkikita po tayo, Monday to Friday," dagdag pa ni Gabby.

Panoorin ang buong mensahe ng lead stars ng Love You Two dito:

Huwag palampasin ang Love You Two, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.