Baguhan pero magaling na production designer sa pelikula si LJ. Mapagmahal siyang anak na nais malaman ang katotohanan sa likod ng misteryosong kondisyon ng ina.
Sikat na binatang film director si Ben. Pamumunuan niya ang produksyon ng pelikula tungkol sa alamat ng Lilom. Kasabay nito ay ang paghahanap niya sa isang taong mahalaga sa kaniya, na mula sa nakaraan.
Si Tristan ay nag-iisang tagapagmana ng mga Dela Paz, ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa Sta. Castela. Nais niyang patunayan ang sarili sa kanyang ama.
Si Lorraine ay ina ni LJ. Mayroon siyang 'di maipaliwanag na takot sa dilim at anino kaya hindi nakikisalamuha sa ibang tao. Mayroon ding misteryosong nakaraan sa Sta. Castela si Lorraine.
Ama ni Tristan si Alfie. Malapit sya kay Ben, na itinuturing niyang anak.
Beteranong executive producer si Ms Patty. Istrikto niyang pinangagasiwaan ang shooting ng pelikula sa Sta. Castela.
Si Coleen ay ang artistang bibida sa pelikula tungkol sa Lilom. Naniniwalang siyang totoo ang mga kababalaghang nangyayari sa set.
Ka-love team ni Coleen si Diego, na may totoong feelings para sa kapareha.
Si Tita Apple ay matulunging tiyahin ni LJ, na madalas na nagbabantay at nag-aalaga sa pinsang si Lorraine.
Kikay at masayahing art director si Bunny, ang BFF at kapartner ni LJ sa lahat ng mga proyekto.
Si Bill ang tahimik pero matinik na director of photography ni Ben.
Kilala at respetadong screenwriter si RDJ, na mentor ni Ben na tutulong sa kanya sa pagbuo ng kwento tungkol sa Lilom.
Si Boying ang vice mayor na bagong mamumuno sa bayan ng Sta. Castela.
Konsehala sa Sta. Castela si Edna, na mapamahiin at tsismosa.
Katiwala ng Pamilya dela Paz si Mang Larry, na malapit kina Ben at Tristan.
Si Chief Pete ang malihim na chief of police sa bayan ng Sta. Castela.
Kilalang mayordoma ng mga dela Paz si Norma, na itinuturing na nanay-nanayan ni Tristan.