Vilmark, naiyak nang gamitin sa 'Love. Die. Repeat.' at kantahin ni Jennylyn Mercado ang 'Lisan'
Hindi naiwasang maging emosyunal ni Vilmark nang malaman sa unang pagkakataon na gagamitin ang kanta niyang "Lisan" para sa GMA series na Love. Die. Repeat. at kakantahin pa mismo ito ni Jennylyn Mercado.
Ang "Lisan" ang second self-composed single ni Vilmark under GMA Music, na inilabas noong April 28, 2023. Espesyal para sa singer-songwriter ang kanta dahil isinulat niya ito para sa pumanaw na ama noong December 2022.
Sa interview ng GMANetwork.com para sa bago niyang single na "INOWY," binalikan ni Vilmark ang pagkakataon nang ipaalam sa kanya ng GMA Music na gagamitin ang kanta niyang "Lisan" sa comeback series ni Jennylyn.
"Actually po during that time kasi po hindi nila sinabi sa akin via phone or via online, talagang hinintay nila na magkita-kita kami in person. So my GMA Music family parang set up a meeting kasi mayroon kaming activities afterwards and then doon ko nalaman na gagamitin po pala 'yung single ko na 'Lisan' for Love. Die. Repeat.
"Naiyak po ako that time kasi the song was really special to me kasi nga I dedicate that song for my father. And to be able to see that song na magagamit s'ya in a kind of big teleserye, it's really fulfilling.
"Sobrang iniisip ko lang na sana proud si papa and smiling while hearing the version of Ms. Jennylyn. Talagang 'yung luha ko bumagsak nu'ng malaman ko na gagamitin s'ya for the teleserye of Ms. Jennylyn and knowing na Ms. Jennylyn will sing the song."
Ikinuwento rin ni Vilmark ang kilig na naramdaman nang magkausap sila ni Jennylyn sa Instagram at kantahin ito ng aktres sa stage ng All-Out Sundays.
"Actually po sobrang kinilig ako nu'ng nag-reply si Ms. Jennylyn. Kasi wala po akong idea na ipapalabas pala s'ya sa All-Out Sundays para sabihin na may new show si Ms. Jennylyn, promotion ng Love. Die. Repeat. And, I didn't expect wala pong nagsabi sa akin na portion po nu'n is kakantahin na kaagad ni Ms. Jennylyn 'yung 'Lisan,' kuwento ni Vilmark kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Pagpapatuloy niya, "Though my GMA Music family already told me na kinakausap daw po para gamitin ang 'Lisan' for the official theme song of Love. Die. Repeat. Pero I didn't expect na it was recorded na po and it will be televised that day sa All-Out Sundays.
"So, ang nangyari sa akin bilang excited po ako, kasi siyempre as a composer, which I never expected na will happen and sa sobrang excited ko I grab some snip po nung video ni Ms. Jennylyn Mercado du'n sa All-Out Sundays and I posted it on Instagram and then tinag ko po s'ya.
"And then sobrang kinilig ako kasi nag-reply s'ya na, sabi nya, 'Thank you Vilmark sa pagpapahiram ng napakaganda mong kanta.'"
Panoorin ang performance video ni Vilmark para sa "Lisan" dito:
Samantala, ilalabas na sa January 26 ang ikatlong single ni Vilmark under GMA Music, ang "INOWY" (I'm Not Okay Without You). Ayon kay Vilmark, ang "INOWY" ay sequel ng kanta niyang "Lisan."
"Kung 'yung sa 'Lisan' is about grief and sadness, this time naman it's about acceptance and being true to yourself that you're not okay," sabi niya.