Isang simpleng lalaki. Walang luho. Ngunit may malaking galit sa amang umabandona sa kanya. Ang traumatic childhood niya ang isa sa mga dahilan kaya mababa ang self-worth niya. But when he falls in love, wagas siya kung umibig at ibibigay ang lahat. Susubukin ito ng tadhana sa pagtatagpo nila ni Stella, the woman of his dreams pero prayoridad naman ay pamilya. Sa dinami-dami ng masasakit na pagsubok na pagdaraanan nila, mahihintay ba ni Atom si Stella even if it takes forever para maging tunay ang pagmamahalan nila?
'Di tulad ni Atom, walang hanggan ang pagmamahal ni Stella sa kanyang pamilya. Hindi sila perpekto, ngunit kapag kinailangan niyang magsakripisyo, gagawin niya nang buong puso. Nagbago ang buhay niya at ng kanyang pamilya nang mamatay ang ama sa Canada. Kahit siya ang middle child, siya na ang inaasahan ng ina at ng mga kapatid upang makaahon sila sa mga utang. Muling babaguhin ng tadhana ang buhay niya dahil makikilala niya si Atom. Will she let Atom in her life para maging kasama niya sa mga pagsubok sa buhay?
Laki sa yaman, mahusay si Czarina sa paggamit ng impluwensya at karisma para makuha ano man ang gustuhin. Alam niya lagi ang tamang timing para umatake. Atom will be one of her targets, at isasakripisyo niya maging ang engagement niya upang makuha ito. Czarina will take advantage of Atom’s financial woes and his brewing conflicts with Stella and her family. Ano pa nga ang kayang gawin ni Czarina para mapanatili si Atom sa kanya?
Si Roald ay metikoloso at “neat-freak" na surgeon. He likes to take charge in every situation dahil mahalaga ang imahe sa kanya. Tulad ni Atom, Roald had a traumatic childhood in the hands of his own father. Iniwan nila ng kanyang ina ang bayolenteng ama at naranasan nilang maghirap. He succeeded in the medical field but is short-tempered and unpredictable. Makakatrabaho niya si Stella, and he starts to lure her almost immediately. Alam na alam niya na hindi matatag ang pundasyon nina Stella at Atom kaya sasamantalahin niya ito.
Rodrigo is Czarina’s wealthy father. A self-made man, napakataas lagi ng expectations niya sa anak. Siya ang naghulma sa pagkatao ni Czarina na manipulative at gagawin ang lahat para makuha ang gusto.
Zoraya is Roald’s overbearing mother. From the very beginning, hindi siya boto kay Stella para sa anak na si Roald. She consistently finds fault with her at ramdam niyang parang kulang ang pagmamahal ni Stella sa anak.
Simpleng housewife lang si Liling. Nang maging biyuda, naiwan sa kanya ang responsibilidad na mapagtapos sa pag-aaral si Stella at ang bunsong anak na si Mutya. Tutol siya sa pakikipagrelasyon ni Stella kay Atom dahil sa pangambang maudlot muli ang pangarap niya para sa pamilya.
Amparo sees her daughter, Czarina, as a rival in both her personality and influence. Czarina doesn’t like it whenever her mom is around. This competitive relationship adds to the pressure for Czarina na mapagtagumpayan ang lahat ng pinapasok niya.
Si Daisy ang senior nurse na isa ring “Ate figure” kay Stella. Kalog at masayang kasama, she gives sound advice and is a very loyal friend but can also be straightforward kapag may nakikita siyang mali.
Marijo is Atom’s close friend. Siya at ang boyfriend na si Bong ang confidanté ni Atom pagdating sa buhay at pakikipagrelasyon.
Si Rico ang protective older brother ni Stella. Mataas rin ang pangarap niya para sa pamilya at tulad ng inang si Liling, hindi rin siya sang-ayon na magkaroon ng karelasyon si Stella.
Atom’s best friend, at boyfriend ni Marijo. Palabiro ngunit tapat na kaibigan, sila ng girlfriend ang pinakapinagkakatiwalaan ni Atom ng kanyang deepest thoughts and feelings.
Mutya is Stella’s youngest sibling. Malambing na kapatid at anak, she treats her ate as her best friend at iniidolo niya ito habang siya rin ay nagpupursige sa pag-aaral.
Memot is Atom’s co-worker sa Pares House. Jologs, pa-cute, at may angking kapilyuhan, lagi siyang sawi sa pag-ibig. Marami siyang matututunan kay Atom at sa mga loyal customer ng paresan tungkol sa pag-ibig.
Nawala ng sampung taon si Artemio sa buhay ng anak na si Atom. Ngayon, siya ay babalik upang humingi ng kapatawaran. Maibigay kaya ito ng anak, bago pa mahuli ang lahat?