'Love Before Sunrise' cast, nagpasaya sa Kapuso Mall Show sa Subic
Nagbigay ng saya at kilig ang stars ng hit drama series na Love Before Sunrise na sina Dennis Trillo, Bea Alonzo, Vince Maristela, at Cheska Fausto nang mag-perform sila sa Kapuso Mall Show sa Subic, Zambales.
Bukod sa kilig na dala nina Bea at Dennis, inabangan din ng mga Kapuso sa Subic sina Cheska at Vince. Sinamahan pa sila ni Lexi Gonzales bilang host ng masayang event.
Tingnan kung paano nagpasaya at nagpakilig sina Dennis, Bea, Vince, Cheska, at Lexi sa gallery na ito:
Lexi Gonzales
All smiles ang Sparkle star na si Lexi Gonzales bilang host ng Kapuso Mall Show ng 'Love Before Sunrise' sa Subic, Zambales.
Galing sa hosting
Ipinamalas ni Lexi Gonzales na hindi lang siya magaling sa acting, ngunit maging hosting ay kaya niyang gawin.
Sparkling smile
Sparkling smile ang hatid ni Lexi Gonzales sa mga dumalo sa Kapuso Mall Show kaya naman game din ang mga manonood sumagot sa mga tanong ng Sparkle star.
Dennis Trillo
Papunta pa lang sa stage ay performance level na agad ang hatid ni Dennis Trillo para sa mga Kapuso na taga-Subic.
Tuloy ang performance
Kahit maraming nagpapa-picture ay tuloy pa rin ang performance ng nag-iisang Kapuso Drama King.
Bea Alonzo
Hindi rin naman nagpahuli si Bea Alonzo na naghandog din ng isang awitin para sa mga dumalo sa Kapuso Mall Show.
Beauty and Grace
Pinuno ng beauty and grace ni Bea Alonzo ang buong entablado kaya't hindi malilimutan ng mga manonood ang kaniyang performance.
Happy moments
Hindi malilimutan ni Bea Alonzo at ng mga manonood ang happy moments na kasama nila ang isa't-isa sa mall show.
Kilig overload
Kilig overload ang dala nina Dennis at Bea hindi lang on-screen, ngunit maging sa live stage. Kahit si Lexi ay masaya ring makita ang dalawang aktor na magkasama on-stage.
Cheska Fausto
Talent at beauty ang dala ni Cheska Fausto sa mga dumalo sa nagdaang Kapuso Mall Show.
Picture perfect
Picture perfect din ang mga litrato ni Cheska Fausto kasama ang ilan sa kaniyang fans.