'Love Before Sunrise' cast, nagpakilig sa Lipa City mall show
Dumayo ang cast ng hit romantic series na Love Before Sunrise sa Lipa City, Batangas para sa isang Kapuso mall show.
Kasama ng lead stars na sina Dennis Trillo at Bea Alonzo sina Cheska Fausto at Vince Maristela para pakiligin ang mga Batangueño na dumalo sa mall show.
Tingnan ang kilig na dala nina Dennis, Bea, Cheska, at Vince sa mga Kapusong Batangueño sa gallery na ito:
Dennis Trillo
Isang all-out na song performance ang inihandog ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa mga Kapusong Batangueño na dumalo at nakisaya sa mall show.
Love and laughter
Nagdala rin ng saya si Dennis Trillo sa kaniyang performance at nakipagkamay pa sa mga manonood habang kumakanta.
Bea Alonzo
Beauty at talent naman ang dala ni Bea Alonzo sa Lipa City, Batangas sa kanilang mall show.
Song number
Naghandog din ang Kapuso actress ng isang song number para sa mga Batangueño na nakisaya at dumalo sa mall show
Kilig moments
Ilang kilig moments din nina Bea Alonzo at Dennis Trillo ang nasaksihan ng mga Kapusong Batangueño.
Cheska Fausto
Nagbigay din ng kaniyang performance si Cheska Fausto sa mga Kapuso na dumalo at nakisaya sa mall show.
Unforgettable experience
Isang unforgettable experience para kay Cheska Fausto ang makapagbigay ng performance para sa mga manonood.
Vince Maristela
Naghandog din ng performance si Vince Maristela para sa mga Kapusong Batangueño.
Pure entertainment
Entertainment at saya ang hatid ni Vince Maristela nang lapitan niya ang mga manonood habang kumakanta.
Kilig overload
Kilig overload ang mga Kapusong Batangueño dahil hindi rin nagpahuli sina Vince Maristela at Cheska Fausto sa pagbibigay ng kilig vibes sa mga manonood.
Love Before Sunrise
Kilig na kilig ang mga manonood sa dalawang pares ng love teams na napanood nila mula sa 'Love Before Sunrise.'