TV

Sid Lucero, siguradong kaabang-abang ang intense na istorya ng 'Love Before Sunrise'

By Marah Ruiz
Inilarawan ni Sid Lucero bilang "intense" ang mga mangyayari sa kanyang karakter sa 'Love Before Sunrise.'

Intense kaagad ang unang episode ng bagong romance drama series na Love Before Sunrise na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.

Gumaganap sila rito bilang ex-lovers na muling magkikita matapos ang ilang taon. Madadatnan silang nag-uusap ng kanilang mga asawa at magiging sanhi ito ng malaking pagtatalo.

Ang award-winning actor na si Sid Lucero ang gumaganap sa serye bilang asawa ng karakter ni Bea.

Ayon sa kanya, talagang matitindi raw ang pagdadaanan ng kanyang karakter.

"I think 'yung arc na dadaaan ni Roald is pretty intense. The very peak or the bottom of this arc--it goes both ways kasi--is to me my favorite part of the show. I think that's also where all of my heart went to," kuwento ng aktor.

Kaya naman gustong-gusto na niyang makita at mas makilala pa ng mga manonood ang kanyang karakter.

"I'm really excited for it especially that part of the story for you guys to see. That's to me what I really like about Roald and his arc and his journey in this show. I hope you guys enjoy it as much as I did," lahad ni Sid.



Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay.

Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.

Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.