
Si ex-PBB housemate AC Bonifacio ang pinakabagong guest star sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Sa isang exclusive behind-the-scenes video, ipinasilip ng programa ang unang araw ni AC sa set.
Ayon kay AC, nakaramdam siya ng kaba sa pagpasok sa isang teleserye pero lubos na nakatulong na makakasama niya dito ang kapwa ex-PBB housemate at ka-duo na si Ashley Ortega.
"It's been good. I was very nervous going in to set, but then it was so nice to see a familiar face," lahad ni AC.
Ito ang unang pagkakataong sasabak siya sa action kaya looking forward daw siyang makita ito ng mga manonood.
"Sobrang welcoming naman din ng Lolong team so it's been good. We've finished the first sequence, getting into mga fight scenes so I'm excited," bahagi niya.
Gaganap si AC sa serye bilang Charm, isang special investigations unit agent at partner ni Agent Tony na karakter ni Ashley.
Tutugisin nila ng mga vigilante sa siyudad kaya mapupunta sa radar nila si Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid.
Abangan si AC Bonifacio sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.