Tessie Tomas at John Arcilla
TV

Tessie Tomas at John Arcilla, puno ng papuri kay Ruru Madrid

By Marah Ruiz
Nakatanggap ng papuri si Ruru Madrid mula sa kanyang 'Lolong: Pangil ng Maynila' co-stars na sina Tessie Tomas at John Arcilla.

Dahil bago ang kuwento, marami ring mga karagdagang karakter sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Mapapadpad ang bidang si Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid, sa mas mabagsik na mundo ng Maynila kung saan makikilala niya ang ilang mga bagong karakter na magiging mga kaibigan at kaaway niya.


Isa sa bagong adisyon sa cast ay ang beteranang aktres na si Tessie Tomas. Gaganap siya bilang Lola Grasya, ang tindera sa Navotas na kukupkop kay Lolong.

Nakabase na sa ibang bansa si Tessie pero umuuwi sa Pilipinas kapag may magandang proyektong inalok sa kanya.

Puno siya ng papuri sa co-star na si Ruru na minsan na niyang nakatrabaho sa political satire series na Naku, Boss Ko! noong 2016.

"I find Ruru a very committed actor. 'Yung gagawin niya lahat maski na [ano]. Napapanood ko din siya sa Black Rider. Mahihirap no? Tapos dito, ganoon din," lahad ni Tessie.

Ganito rin ang naging komento ng award-winning actor na si John Arcilla tungkol kay Ruru.

Gumaganap si John sa serye bilang underground crime boss na si Julio na siyang nanakit sa pamilya ni Lolong. Bahagi pa rin ng serye si Julio dahil unti-unting naghahanda si Lolong para maghiganti sa kanya.

"Naaawa ako sa pinagdadaanan ni Ruru as na actor and as a character kasi sobrang emosyonal at sobrang nakakapagod. Talagang nakaka-drain 'yung nangyayari. Iba kasi 'yung kay Ruru eh. Alam mo 'yung hindi lang dahil binigay sa kanya, talagang inakap niya. I'm really so proud of him," sambit ni John.

Magiging bahagi din ng Lolong: Pangil ng Maynila si Kapuso actress Elle Villanueva na gaganap bilang Tetet, ang bagong love interest ni Lolong.

"I know how Ruru works. I know how serious he is and we share the same passion. So kapag may ganoon akong katapat na aktor, sobrang excited ko makatrabaho 'yun," bahagi ni Elle.

KILALANIN ANG IBA PANG BAGONG TAUHAN NA MAKAKASAMA SA LOLONG: PANGIL NG MAYNILA:



Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa bagong yugtong Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.