Rowell Santiago and Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (IG)
TV

Ruru Madrid, ipinasilip ang mas maaksiyong mga eksena ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Ipinasilip ni Ruru Madrid ang ilang mga mas pinaganda at mas pinaaksiyong eksena mula sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Mas pinaganda at mas pinaaksiyon ang bagyong yugto ng primetime series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Malaki ang pagbabago sa takbo ng kuwento dahil mapapadpad ang bida nitong si Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid, sa mas mabagsik na mundo ng Maynila.

"From Lolong season 1, gusto natin na ibahin at mas pagandahin pa ang mga ginagawa natin na mga eksena. Tapos na ang kanyang responsibilidad doon sa isang lugar na Tumahan kaya ngayon mas malaki na ang mga makakalaban ni Lolong. Mas mabibigat, mas delikado ang kanyang mga tatahaking mga laban. At lahat po ng iyon ay matatagpuan po natin, dito na sa Maynila," lahad ni Ruru.

Sa kanyang Instagram account, ipinasilip niya ang ilang sa mga eksena ng bagong buhay ni Lolong sa siyudad.

"Kung natuwa kayo sa mga action scenes na napanood natin sa unang yugto ng Lolong, ngayon sinisigurado po namin na talagang mas titindi ang bawat eksenang mapapanood niyo," bahagi ni Ruru.

Bukod sa matitinding bakbakan, hindi pa rin mawawala ang ilang touching at light-hearted moments dahil may matatagpuan pa ring mga kaibigan si Lolong sa Maynila.

"Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta! Patuloy nating samahan si Lolong sa kanyang panibagong laban sa Maynila.

"Kayo ang inspirasyon ko, Mahal ko kayo!" sulat ni Ruru sa Instagram.

Nagpapatuloy ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila pitong taon matapos lisanin ni Lolong ang Tumahan.

Mapapadpad siya sa Navotas kung saan kukupkupin siya ng tinderang si Lola Grasya (Tessie Tomas) at magiging tauhan ng big boss na si Manuel (Rowell Santiago).

Ano pang mga hamon ang haharapin ni Lolong sa bagong buhay niya sa siyudad?

Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa bagong yugtong Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

KILALANIN DIN ANG MGA BAGONG TAUHAN NA MAKAKASAMA NI LOLONG SA LOLONG: PANGIL NG MAYNILA:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.