Ruru Madrid in Lolong
TV

Mga bagong makakasama ni Ruru Madrid sa 'Lolong,' ipinakilala na

By Marah Ruiz
Narito ang mga artistang papasok bilang bagong cast members ng seryeng 'Lolong.'

Ipinakilala na ang mga artistang magiging bagong cast ng primetime series na Lolong.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng ikalawang season nito, susugod na ang bidang si Lolong (Ruru Madrid) sa Maynila.

Kasabay ng malaking pagbabago na ito sa buhay ni Lolong, ilang mga artista rin ang magiging adisyon sa malaki at star-studded cast ng serye.

Kabilang diyan si actor and director Rowell Santiago, pati na ang beteranang aktres na si Tessie Tomas.

Kasama rin dito sina Ketchup Eusebio, Matt Lozano, Yasser Marta, at Wendell Ramos.

Abangan din dito ang beauties na sina Andrea del Rosario, Gwen Garci, at Elle Villanueva.

Panoorin din dito sina Geleen Eugenio, Erlinda Villalobos, at social media star na si Leonida "Nanay" Aguinaldo.

May bago ring mga bata sa cast--sina Sienna Stevens at Nathaniel Enaje.

Sino sila sa bagong buhay ni Lolong? Mga bagong kakampi ba ang mga ito o mga kalaban?

Bakit nga ba mapapadpad si Lolong sa siyudad? Ano ang mga bagong pagsubok na haharapin niya dito?

Abangan ang mas matalas na pangil ng hustisya sa pagpapatuloy ng pangalawang season ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.