Susugod na sa Maynila si 'Lolong!'
Isang malaki at hindi inaasahang pagbabago ang parating sa season two ng primetime series na Lolong.
Matitikman na ang mas matalas na pangil ng hustisya dahil susugod na Maynila si Lolong (Ruru Madrid)!
Hindi lang siya ang darayo dito kundi pati ang loyal niyang kaibigan na si Dakila.
Makikilala nila ang mga bagong karakter tulad ng isang basagulerong tambay, sobrang latinang waitress, witty little princess, at marami pang iba.
Sino sila sa bagong buhay ni Lolong? Mga bagong kakampi ba ang mga ito o mga kalaban?
Bakit nga ba mapapadpad is Lolong siyudad? Anong mga bagong pagsubok ang haharipin niya dito?
Patuloy na tumutok sa pangalawang season ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.