Waynona Collings and John Arcilla in Lolong
TV

Waynona Collings, nanginig sa eksena kasama si John Arcilla

By Marah Ruiz
Lubos ang kaba ni Waynona Collings sa eksena niya kasama si John Arcilla sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Sobra daw ang naramdamang kaba ng newbie actress na si Waynona Collings sa eksena niya kasama ang award-winning actor na si John Arcilla.

Magkatrabaho sila sa primetime series na Lolong: Bayani ng Bayan kung saan gumaganap sila bilang mag-ama.

May malubhang sakit ang karakter ni Waynona na si Rain kaya ganon na lang ang galit ng tatay niyang si Julio-- karakter naman ni John-- nang malamang lumabas ito ng bahay.

Damang dama pa rin daw ni Waynona ang adrenaline rush kahit natapos na nila ni John ang kanilang eksena.

"Nangininig 'yung kamay ko. Until now parang alam mo 'yung may tumutusok sa kamay mo? 'Yun 'yung nafi-feel ko. Kinakabahan ako, papunta pa lang sa set. Oh my god, this is it! Masasampal ako," bahagi niya.

Proud daw si Waynona sa sarili niya dahil nakayanan niyang umarte kasama ang isang aktor na de kalibre tulad ni John.

"Sobrang fun gumawa ng ganitong scenes. I'm thankful na nagawa ko na," lahad niya.

Samantala, maraming mga pagbabago ang parating sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Ayon yan sa bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid na gumanap bilang bidang si Lolong.

"Mas na-e-excite ako sa mga magiging bagong istorya ng Lolong dahil ibang-iba. Ibang-ibang aksyon at ibang-ibang drama ang inyong mapapanood ngayon," sambit ni Ruru sa isang panayam.

Ganito rin ang nabanggit ng leading lady sa serye na si Shaira Diaz.

"Nagbabasa ako ng script, tapos nagulat ako sa plot twist ng Lolong. Dapat abangan nila 'yan. Pero siyempre, abangan muna nila kung makakatakas ba si Lolong, kung paano niya masusugpo 'yung kasamaan," aniya.

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.