Ruru Madrid and Mikay
Image Source: gmanetwork (Instagram)
TV

Mikay ng ToRo Family, mapapanood sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Magiging bahagi ng 'Lolong: Bayani ng Bayan' si Mikay ng ToRo Family.

Isang viral sensation ang magiging bahagi ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Kinumpirma ng bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid na magiging adisyon sa cast si Mikay ng ToRo Family o Micaela Marcelo sa tunay na buhay.

Ibinahagi ni Ruru sa kanyang Facebook account ang isang selfie nila sa set.

Dagdag pa ng aktor na fan sila ng girlfriend at kapwa Kapuso na si Bianca Umali ng ToRo Family.

"Kasama ko na si Mikay sa Lolong 2!

"Grabe na starstruck talaga ako ng sobra dahil super fan kami ni Bianca ng Toro Fam! Sana makasama po namin ang inyong buong pamilya.

"Ano kaya ang magiging papel nya sa buhay ni Lolong?

"Abangan sa Lolong: Bayani ng Bayan gabi-gabi 8pm pagkatapos ng 24Oras!" sulat ni Ruru.


Nag-viral kamakailan si Mikay dahil siya ang pinagsasabihan ng sikat na content creator na si Toni Fowler sa video clip tungkol sa "fine dining restaurant" na siya namang ginawan ng memes at iba't ibang parody versions ng mga netizens.

Samantala, sa ika-apat na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, darating na ang oras ng paniningil.

Image Source: gmapublicaffairs and gmanetwork (Instagram)

Kasama ang mas pinalakas niyang puwersa, aatakihin ni Nando (Nonie Buencamino) ang isang pagtitipon para puntiryahin si Julio (John Arcilla).

Dahil dito, makakaharap ni Lolong (Ruru Madrid) sa labanan ang sarili niyang lolo.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.