Ruru Madrid
TV

Ruru Madrid, sinakripisyo pati boses para sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Pati boses ni Ruru Madrid, na-challenge sa mga eksena ng 'Lolong: Bayani ng Bayan'

Talagang maraming inilaang sakripisyo si primetime action hero Ruru Madrid sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Bukod sa pisikal na hamon sa kanyang katawan dahil sa mga stunts at fight scenes sa serye, naging challenging din ito para sa boses ng 50th Metro Manila Film Festival Best Supporting Actor.

Sa katunayan, namalat si Ruru matapos makumpleto ang mga eksena ng madugong kasal ng karakter niyang si Lolong at ng kababata niyang si Elsie (Shaira Diaz).

Dahil dito, umaasa siyang patuloy na mamahalin ng mga manonood ang mga karakter mula sa unang season ng serye, hanggang sa kasalukuyang pangalawang season nito.

"Grabe, what a day! After ng isang matinding fight scene, naubos ang boses dahil sa isang mabigat ng eksena. I'm sure kahit naman po sinong makakapanood po ng eksenang ito, talagang maapektuhan po kayo dahil to po yung mga karaketer na minahal n'yo noong season 1 pa lang," pahayag ng aktor.



Samantala, sa ikatlong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, makakaharap ni Lolong ang isang rebeldeng Atubaw na magpapakilala bilang kanyang lolo.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.