
Ang dambuhalang adventure-serye ng primetime, may dambuhala ring official soundtrack.
Mapapakinggan na ang full official soundtrack ng most watched television program of 2022 na Lolong sa September 29.
Naglalaman nito ng 14 kanta kabilang ang "Tahan Na" ni Hannah Precillas na madalas marinig sa tender moments ng Lolong, pati na ang "Ugnayan" nina Anthony Rosaldo at Mariane Osabel na nagsisilbi naman environment theme ng serye.
Nasa soundtrack din ang ilang mga awit na kinanta mismo ng mga bida ng serye tulad ng "Isang Tinginan" ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, "Kumpleto Na" ni Shaira Diaz, "Tapang" ni Arra San Agustin, at "'Di Ka Nag-iisa" ni Mikoy Morales.
Abangan ang iba pang awit sa soundtrack na mula kina Crystal Paras, Lyra Micolob at Garrett Bolden.
Ang official soundtrack ng Lolong ay released sa ilalim ng GMA Playlist. Magiging available ito for download and streaming sa Spotify, Apple Music at iba digital platforms worldwide.
Pakinggan ang OST ng Lolong DITO.
Patuloy ring panoorin ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.