Tahan Na by Hannah Precillas
TV

PREVIEW: Pakinggan ang dalawang kanta mula sa official soundtrack ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Updated On: September 23, 2022, 05:54 PM
Ang "Tahan Na" by Hannah Precillas at "Una't Huling Pag-ibig" by Brent Valdez and Melbelline Caluag ay bahagi ng official soundtrack ng 'Lolong.'

Hindi lang maaksiyong eksena ang hatid ng most watched television program of 2022 na Lolong dahil mayroon din itong napakagandang soundtrack na puno ng mga magagandang awitin.

Isa na riyan ang "Tahan Na" na inawit ni Hannah Precillas at madalas marining sa mga tender moments ng dambuhalang action-adventure series.

Si Rina L. Mercado ang nag-compose ng kanta, habang si Bryan P. Gajardo ang nag-mix nito. Si Rocky S. Gacho ang nagsilbing producer nito sa ilalim ng GMA Playlist.

Panoorin ang recording video ng "Tahan Na" ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas



Nag-duet naman ang Kapuso stars na sina Brent Valdez at Melbelline Caluag para sa awit na "Una't Huling Pag-ibig."

Unat Huling Pagibig


Si Rina L. Mercado ang composer ng kanta at sina Harry A. Bernardino at Bryan P. Gajardo ang nag-mix nito. Produced ito ng GMA Playlist sa ilalim ni Racquel Gacho.

Silipin din ang lyric video ng "Una't Huling Pag-ibig" nina Brent Valdez at Melbelline Caluag dito.



Abangan din ang release ng full soundtrack ng Lolong sa September 29 sa ilalim ng GMA Playlist.

Samantala, patuloy ding panoorin ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.