GMA Logo  Lolong
What's on TV

Tapos nang magtago ang mga Atubaw sa 'Lolong'

Published September 12, 2022 2:17 PM PHT
Updated September 12, 2022 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

 Lolong


Lalabas na ang mga Atubaw mula sa pagtatago sa 'Lolong.'

Isa na namang malaking pasabog ang dapat abangan sa most-watched television program of 2022 na Lolong.

Malalaman ni Bokyo (Mikoy Morales) ang planong pagpapasabog sa simbahan na nagsisilbing kanlungan ng mga Atubaw.

Makakatakas naman si Celia (Thea Tolentino) mula kay Lucas (Ian de Leon). Pero saan siya tatakbo?

Comatose pa rin si Dolores (Maui Taylor) matapos mabundol kaya hindi mapakali si Dona (Jean Garcia) dahil sa hinihintay niyang impormasyon mula rito.

Muling namang magku-krus ang landas nina Lolong (Ruru Madrid) at Martin (Paul Salas).

Samantala, nanantiling matanglinghaga ang mga pahayag ni Ines (Alma Concepcion).

Saksihan ang tunay na tibay ng mga Atubaw sa ika-11 linggo ng Lolong.

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.