
Lumiliit na ang mundo ng ating bida sa most-watched television program of 2022, ang Lolong.
Naipit na si Lolong (Ruru Madrid) at mga Atubaw dahil hindi sila nakatakas sa Tumahan matapos magdeklara ng lockdown ang gobernador na si Armando Banson (Christopher de Leon).
Wanted na rin sila sa batas matapos ipakalat ni Armando na hindi tao kundi halimaw ang mga Atubaw at ito ang nasa likod ng iba't ibang kaguluhan sa kanilang bayan.
Lalo pang nadagdagan ang panganib dahil nagbalik na si Lucas (Ian de Leon) at nasa kamay nito si Celia (Thea Tolentino).
Hindi pa man tapos magluksa si Lolong sa pagkamatay ng kaniyang Tiyo Narsing (Bembol Roco), pero mukhang may panibago na naman siyang paglalamayan.
Sino ang susunod na mamamaalam?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.