Unang episode ng 'Lolong' para sa buwan ng September, nagtala ng pinakamataas nitong ratings
Sa paglalim ng kuwento ng most-watched television series ng 2022 na Lolong, lalong dumadami ang tumututok dito.
Muli na naman nitong binasag ang sarili nitong ratings record dahil umani ang September 1 nito ng 18.9 combined ratings mula sa GMA at GTV na mataas kaysa sa 9.4 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at CineMo.
Mas tumaas pa ito sa naitalang record high na 18.7 noong August 25 mula sa GMA at GTV.
Sa ika-44 episode na ito ng serye, inuutos ni Armando (Christopher de Leon) ang lockdown ng Tumahan dahil umano sa mga teroristang lumilibot dito.
Pero ang tunay na dahilan sa likod nito ay para hindi makalabas ng Tumahan ang mga Atubaw.
Sa pangununa ni Lolong (Ruru Madrid), muli silang magtatago at bubuo ng plano para makatakas.
Masisira ang plano nang traydorin sila ni Martin (Paul Salas). Magiging wanted ng batas at maging ng taumbahayan sina Lolong at iba pang Atubaw.
Ano pang ibang panganib ang naghihintay sa kanila?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.