Manonood ng 'Lolong,' umabot na ng mahigit 14M
Lalong pang dumami ang mga manonood ng most-watched television program of 2022, ang Lolong.
Ayon sa tala ng Nielsen Philippines mula August 23 hanggang August 25, mahigit 14 milyong manonood ang tumutok sa bawat episode ng serye sa GMA at sa GTV.
Mas mataas ito kaysa sa previous record ng Lolong na 13 million viewers per episode noong August 15 hanggang August 19.
Kaya naman nananatiling most-watched television program ng taong 2022 ang Lolong.
Nakapagtala rin ang serye ng pinakamataas nitong rating sa kasalukuyan noong August 25. Ang ika-39 episode na ito ng serye ay umani ng 18.7 combined ratings mula sa GMA at GTV na mataas kaysa sa 9.0 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at CineMo.
Sa ika-siyam na linggo ng Lolong, tila makakahanap ng bagong kakampi si Lolong (Ruru Madrid) kay Martin (Paul Salas) na dati niyang matinding kaaway.
Tunay na nga bang natanggap ni Martin na isa siyang Atubaw? Dapat ba siyang pagkatiwalaan ni Lolong?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA OFF DUTY MOMENTS NG LOLONG CAST SA LOCK-IN TAPING SA GALLERY SA IBABA.