Lolong ratings
TV

Simula ng bagong yugto ng 'Lolong,' wagi pa rin sa ratings

Updated On: August 16, 2022, 09:27 PM
Mainit pa rin ang naging pagtanggap ng mga manonood sa bagong yugto ng 'Lolong'

Isang dambuhalang pasasalamat ang nais ipaabot ng primetime action adventure series na Lolong sa mga manonood nito.

Naging mainit pa rin kasi ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong yugto ng serye na nagsimula kahapon, August 15.

Ayon sa tala ng Neilsen Philippines, nagtamo ng 17.3 combined ratings mula sa GMA at GTV ang Lolong. Mas mataas ito sa 10.5 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Cine Mo!

Sa pagsisimula ng bagong yugto at ika-pitong linggo ng Lolong, ipinakilala ni Karina (Rochelle Pangilinan) si Lolong (Ruru Madrid) sa mga natitirang Atubaw.

Isa na rito si Diego (Vin Abrenica), ang nawawalang kasintahan ni Bella. Binisita rin nila ang Tinago, ang bagong kuta ng mga Atubaw na nakaligtas mula sa Isla Pangil.

Dito na ba makakamit ni Lolong ang pagtanggap ng inaasam niya?

Samantala, patuloy naman ang mga sorpresang hatid ng Lolong para sa mga manonood nito.

Nariyan ang paglipad sa himpapawid ni Kapuso Action-Drama Prince at Lolong lead star Ruru Madrid kasama si Dakila.

Isa pa ay ang selfie wall kung saan maaari kang kumuha ng litrato kasama si Dakila. Kasalukuyan itong nasa isang parke sa Pasig pero nakatakdang ilagay ito sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Patuloy na panoorin ang bagong yugto ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.