
Isang malaking katanungan ang masasagot sa ika-apat na linggo ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.
Sina Armando (Christopher de Leon) at Dona Banson (Jean Garcia) ang nagsimula ng paghuli at pagpatay ng mga buwaya sa Tumahan. Nag-uugat pala ang galit na ito sa isang trahedya.
Tila inatake ng buwaya ang kanilang anak at sinubukan pa siyang iligtas ni Armando pero huli na ang lahat. Dito na nagsimula ang paghihiganti ng mag-asawa sa mga buwaya.
Samantala, magsisimula ang manhunt para sa masked vigilante sa Tumahan sa pag-uudyok ni Mayor Armando.
Babalaan naman ni Narsing (Bembol Roco) si Lolong (Ruru Madrid) tungkol sa mga ikinikilos ng mga ito.
Narito ang sneak peek sa exciting na ika-apat na linggo ng Lolong.
Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.