jo berry
TV

Jo Berry admits plans of initially going back to BPO before 'Little Princess' offer

By Jansen Ramos
Jo Berry on struggling to get a job at the height of the pandemic: 'Medyo no'ng time na 'yun...hindi ako sure kung may babalikan pa ba 'kong career.'

Malaking blessing para kay Jo Berry ang kasalukuyang pinagbibidahan niyang drama na Little Princess.

Ito ang unang project niya sa panahon ng pandemya. Ang show niya bago ang Little Princess na The Gift ay umere mula September 2019 hanggang February 2020.

Bilang freelancer, per project ang offer kay Jo at nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020, nabawasan siya ng options kaya naisipan niyang bumalik sa office job. Dating nagtrabaho bilang call center agent si Jo sa business process outsourcing (BPO) industry.

Bahagi ng aktres, "Medyo no'ng time na 'yun no'ng nag-pandemic na hindi ako sure kung may babalikan pa ba kong career kasi syempre isa sa mga sobrang tinamaan, 'yung talagang huminto is 'yung pagte-taping no'ng time na nag-lockdown.

"Meron akong show so hindi lang no'n natapos 'tapos syempre nagpaplano ako ano pang gagawin ko.

"'Di ako sure kung babalik pa ba kung paano before so ayun naisip ko mag-work na lang ulit ako siguro ko ng day job."

Naging stagnant man ang career ni Jo sa loob ng isang taon, perfect timing naman nang i-offer sa kanyang magbida sa Little Princess early 2021. Ito ang kanyang ikatlong full-length series sa telebisyon.

Patuloy ni Jo, "Pero ayon so binigay 'yung Little Princess so 'di na ako natuloy bumalik sa BPO."

Tulad din ni Jo, ang career ng Little Princess leading man niyang si Juancho TriviƱo ay naapektuhan din ng global health crisis.

Kahit may pangalan na sa showbiz, sinubukan niyang magtrabaho sa corporate world bilang project manager sa isang BPO company. Si Juancho ay may bachelor's degree sa entrepreneurship.

Bahagi ni Juancho, "Nag-try ako pero for experience lang kasi I was very honest about it dahil nga pandemic. 'Di natin alam kung kelan babalik 'yung mga bagay and we want to keep our options open.

"So no'ng naghanap ako ng work, 'di ko alam no'ng una na 'yun na 'yung company na a-apply-an ko.

"Parang nagpadala lang ako for an internship para sa project manager position na ina-apply-an ko and 'yun kinuha nila ako so I said why not?"

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.