WATCH: Rhian Ramos, nasungkit ang championship belt sa pagbabalik sa 'Lip Sync Battle Philippines'
Sa wakas, nakuha na rin ni Rhian Ramos ang championship belt sa kanyang pagbabalik sa Lip Sync Battle Philippines!
Nakaharap niya ang kaibigan at kapwa return battler na si Solenn Heussaff.
"I've really been waiting for this moment. I super duper wanted to win pero I, hundred percent, meant na kung natalo ako kay Solenn hindi talaga ako maa-affect. Okay lang, it's Solenn naman eh," ani Rhian.
Pinuri naman ni Solenn ang kaibigan dahil deserve daw nito ang pagkapanalo.
"Alam ko na magiging parang buwis-buhay 'yung performance niya today. At siyempre naman na hindi sumasayaw si Rhian but napatunayan niya na isa siyang magaling na dancer na malambot ang katawan," pahayag nito.
Patuloy na manood ng Lip Sync Battle Philippines, every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.