GMA Logo Janice de Belen
What's on TV

Janice de Belen, muling mapapanood sa GMA matapos ang ilang taon

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 31, 2025 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Janice de Belen


Gagampanan ni Janice ang magaling na defense lawyer na si Atty. Clarisse Zamora.

Matapos ang ilang taon, muling mapapanood ang batikang aktres na si Janice de Belen sa Kapuso network.

Guest star kasi si Janice sa GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law kung saan mapapanood siya bilang si Atty. Clarisse Zamora.

Si Atty. Clarisse ang gaganap na abogado ni Patricia (Sheryl Cruz) laban sa mga akusasyon ni Renan (Tom Rodriguez) na siya ang pumatay kay Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan).

Bukod kay Janice, isang Kapuso A-list actor pa ang mapapanood sa nalalapit na pagtatapos ng Lilet Matias, Attorney-At-Law.

Alamin kung sino ito sa huling dalawang linggo ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.