
Maraming humahanga sa aktres na si Analyn Barro sa pagganap niya bilang si Atty. Aera Simmons sa GMA Afternoon Prime legal series na Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Lingid sa kaalaman ng publiko, nagmula si Analyn sa pamilya ng mga abogado kaya naman mayroon siyang background tungkol sa korte at mga batas.
"I came from a family of lawyers. 'Yung lolo ko po, piskal, 'yung tito ko, lawyer, mga pinsan ko, lawyers. Even my sister [is] studying law sa San Beda," kuwento ni Analyn.
"Pinangarap ko [maging lawyer] pero hanggang pangarap na lang po talaga siya. Gusto ko lang sabihin sa dad ko, 'Ito na 'yun. Kahit hindi ako naging lawyer sa totoong buhay, naging lawyer naman ako dito sa show.'"
Mapapanood si Analyn bilang Atty. Aera Simmon sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream.