Sa wakas ay matutupad na ang pangarap ni Grace na maging abogado matapos niyang magtapos bilang valedictorian sa college of law at maipasa ang bar exam. Noon pa man ay nais na ni Grace na maging abogado upang mapalaya ang kanyang amang si Manuel na nakakulong kahit na inosente ito. Sa araw ng paglabas ng bar exam results ay makikilala ni Grace si Edward, isang abogado na naroon din upang suportahan ang kanyang mga kaibigan. Agad mabibighani si Edward kay Grace kahit medyo nayabangan ang dalaga sa kanya.
Samantala, hindi makakapasa sa bar exam ang boyfriend ni Grace na si Joel. Ang hindi alam ni Grace, mayroong affair si Joel at ang kanyang kapatid na si Charie. Muntik pang mahuli ni Grace ang dalawa sa salo-salo na inihanda ng nanay niyang si Marissa. Magpapalusot si Charie at sasabihing sa bar na lang sila magkita ni Joel para mag-celebrate. Makakasama nina Joel at Charie si Grace sa bar upang ipagdiwang ang kanyang tagumpay. Sa lugar na ito mag-uumpisa ang malagim na pangyayari sa buhay ni Grace - magagahasa siya. Ngunit hindi lang doon magtatapos ang suliranin ni Grace dahil sa pagtakas niya sa kanyang rapist ay maaaksidente siya na magdudulot ng kanyang pagkabulag.
Ngayong bulag na si Grace, paano na niya maitutuloy ang pangarap na maging isang abogado? Paano na niya mapapalaya ang kanyang inosenteng ama?
Bukod pa sa pagkabulag, mabubuntis si Grace. Paano niya tatanggapin ang bata na resulta ng kanyang pagiging biktima ng panggagahasa?
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.