What's on TV

Ano ang ginawa ni Lauren Young matapos mawala ng isang taon sa showbiz? 

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 14, 2017 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Lauren bilang si Charie sa Legally Blind, ngayong February 20 na sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

Na-miss ng mga Kapuso ang isa sa mga pinakamagaling na aktres sa industriya na si Lauren Young. Ilang tulog na lang ay mapapanood na muli si Lauren sa bagong afternoon teleserye na Legally Blind.

Makakasama rito ni Lauren sina Janine Gutierrez, Mikael Daez, Rodjun Cruz, Marc Abaya at veteran stars na sina Chandra Romero at Ricky Davao na tumatayo ring direktor ng GMA Afternoon Prime soap.

Sa panayam sa Kapuso actress sa ginanap na grand press conference ng Legally Blind last Saturday, February 11, naikuwento niya ang mga pinagkaabalahan niya sa loob ng isang taong pamamahinga sa industriya.

Aniya, kinailangan niyang magpahinga matapos sumabak sa Kapuso primetime series na MariMar.  “MariMar was a very intense show. It required a lot of energy, time, and preparations. So after mag-end ‘yung MariMar, good timing lang din na I took one year off,” ani Lauren.

Dagdag pa niya, nag-focus din siya sa isang production company kung saan nakasama niya ang kaniyang mga kaibigan. “I pursued other things. I have a production company with some of my friends. We're producing content for ad agencies like digital campaigns," saad niya.

"Now, I’m ready to comeback to showbiz," pahayag ni Lauren.

Pakiramdam ni Lauren na ang pagkawala niya ng isang taon sa showbiz ay nakatulong para mag-mature siya at matuto na bigyang halaga ang blessings na dumarating sa kaniyang buhay.

“I value my work more now," pagtatapos ni Lauren.

Abangan si Lauren bilang si Charie sa Legally Blind, ngayong February 20 na sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

IN PHOTOS: At the press conference of 'Legally Blind'

'Legally Blind,' GMA Network's newest gripping drama series airs on February 20

Janine Gutierrez at Lauren Young na pareho ang ex-boyfriend, paano ang working relationship sa 'Legally Blind?'

Photo by: lo_young (IG)