Alice Dixson, umaasang patuloy ang suporta ng Team Amirah sa paglipat ng 'Legal Wives' sa mas maagang timeslot
Excited ang Legal Wives lead stars na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Alice Dixson sa paglipat ng kanilang serye sa mas maagang timeslot.
Simula August 30, 8:00 p.m. na mapapanood ang milestone drama na ito.
Hindi naman pinalampas ni Dennis, gumaganap sa serye bilang si Ismael, na magpasalamat sa mga masugid na manonood ng serye.
"Assalamualaikum [Peace be with you], mga Kapuso!
"Unang-una po ay gusto naming magpasalamat sa inyong lahat, sa inyong mainit na pagsuporta at gabi gabi ninyong pagsubaybay sa Legal Wives," pahayag ni Dennis.
Umaasa naman si Alice na hindi bibitaw ang mga manonood, lalo ang mga supporters ng kanyang karakter na si Amirah, sa paglipat ng oras ng kanilang serye.
"Mayroon po kaming magandang balita para sa inyo.
"Simula ngayong Lunes, August 30, mapapanood niyo po nang mas maaga ang Legal Wives, 8:00 pm na po tayo, pagkatapos ng 24 Oras.
"Kaya Team Amirah, huwag po kayong mawawala. Shukran [Thank you], mga Kapuso!" masayang pahayag ng aktres.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Legal Wives, isinama sa Maynila ni Ismael ang kanyang pamilya para mailayo ang mga ito sa giyera sa Marawi.
Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa iisang bubuong ang kanyang first wife na si Amirah at ang kanyang second wife na si Diane, karakter ni Andrea Torres.
Magkakaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang babae dahil sa pagkakaiba sa kultura at paniniwala.
Patuloy na panoorin ang kuwento ng Legal Wives sa mas maaga nitong timeslot simula August 30, 8:00 pm sa GMA Telebabad.