Dennis Trillo
TV

Dennis Trillo, pinakamagaling magsalita ng Mranaw sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Bukod sa Mranaw, magaling din daw si Dennis Trillo magsalita ng Arabic sa 'Legal Wives.'

Isang testamento sa pagiging mahusay na aktor ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang bilis niyang mag-pick up ng mga lengguwahe para sa kanyang mga eksena.

May ilang eksena kasi kung saan nagsasalita ng Mranaw at Arabic ang mga karakter ng bagong GMA Telebabad series na Legal Wives.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng language coach na si Egypa Balindong na si Dennis daw ang pinakamagaling magsalita ng Mranaw sa buong cast.

Sa serye, si Dennis ay si Ismael, isang lalaking Mranaw na magkakaroon ng tatlong asawa dahil sa mabibigat na mga rason.

"Ang pinaka magaling, si kuya Dennis. Sobrang na-amaze ako sa kanya kung gaano kabilis niya mag-catch up. He's both learning the Mranaw and the Arabic language. 'Pag nagsasalita siya, he's very natural with it. Parang, 'Uy, Mranaw ka pala!' Ang galing kasi niya magsalita," pahayag ni Egypa.

Hindi raw niya kailangang i-coach nang matagal si Dennis.

"I don't even have to have sessions with him or teach him for a long time. Babasahin ko lang 'yung line tapos uulitin lang niya and he got it. Ang bilis niya. Ang bilis niya maka-catch up so hindi ako nahirapan sa kanya," aniya.

Bukod kay Dennis, magaling din daw sa Mranaw at Arabic language si Bianca Umali.

Gumaganap naman si Bianca sa serye bilang Farrah, ang pinakabatang asawa ni Ismael.

"Second one is Bianca. Si Bianca, ganoon din, mabilis din siya mag-catch up. Ang galing niyang mag-memorize ng lines. Ang galing din niya sa accent. Kaya niyang magkaroon ng Arab accent and Mranaw accent. Magaling siya," kuwento ni Egypa.

Mahusay din daw si Irma Adlawan, hindi lang sa pagsasalita kundi sa pagbibigay-buhay sa isang babaeng Mranaw.


Gumaganap si Irma bilang Nuriya, ang first wife ng isang imam mula sa mayamang angkang Mranaw.

"Si Ms. Irma, magaling din. I think one of the characters na almost legit ang portrayal of the Mranaws is Ms. Irma. Siya 'yung pinaka inaabangan kong character. Napakagaling niyang mag-portray ng isang Muslim woman. The fire in her heart, 'yung determination, 'yung galit niya, 'yung maratabat niya, it's all there. I love her character so much," paliwanag niya.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.