Alice Dixson
TV

'Legal Wives,' muntik nang magkaroon ng alternate ending dahil kay Alice Dixson

By Marah Ruiz
Naghanda raw ng alternate ending ang teleseryeng 'Legal Wives' kung sakaling hindi makabalik ng Pilipinas si Alice Dixson.

Very proud daw si Alice Dixson sa seryeng Legal Wives, lalo na at nagawa ito habang may pandemya.

Batid daw niya kasi ang naging epekto nito sa industriya ng showbiz, partikular ang produksiyon ng mga television show at pelikula.

"I'm so proud of what we have accomplished this year despite what has been going on in the world. I guess it was two years ago when I first learned about this project. Who knew what was going to happen six months later. Who knew how this COVID-19 would affect our lives in so many ways and for so long, hanggang ngayon," pahayag ni Alice.

"Looking back, I think we did a lot. We did so much. We did the best that we could given the circumstances. We should have finished this in two lock-ins but we wound up doing it in five because ang daming nangyari," dagdag pa niya.

Dahil sa mga 'di kasiguraduhang dala ng pandemya, naghanda ang programa ng alternate ending para sa karakter ni Alice na si Amirah.

Nanganib kasing hindi makabalik agad ng Pilipinas at hindi makaabot sa naka-schedule na lock-in taping ng serye ang aktres.

Matatandaang tumungo ng Canada at Amerika si Alice noong unang bahagi ng taon para sunduin si Aura, ang kanyang first baby na isinilang sa tulong ng isang surrogate.

Pinahirap ng iba't ibang travel restrictions ng mga bansa ang pagbabiyahe noon. Bukod dito, may dala pa siyang bagong silang na sanggol na maaari ring makaapekto sa mga plano niyang magbiyahe.

"I was even in the States when they were doing lock-in number three. I thought na hindi na ko makakahabol sa ending. They had even created a special ending had I not been able to return," kuwento niya.

Pero dahil sa iba't ibang delay at pagsubok sa produksiyon, nakahabol si Alice sa iba pang lock-in taping at naituloy ang orihinal na pagtatapos ng kuwento kasama siya.

"I'm very grateful na despite all of the things that were happening around us, all the obstacles, na nakapagtapos din kami ng isang magandang proyekto na maipagmamalaki talaga namin," kuwento ni Alice.

At dahil sa lahat ng pagsubok habang ginagawa ito, mananatili raw espesyal para sa kanya ang Legal Wives.

"I really believe this is one of my favorite telseryes now because hindi lang about the story ang talagang paguusapan eh. Everybody is asking me, 'Who is the legal wife?' Hindi n'yo ba alam? It's three legal wives," lahad niya.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Si Alice ay si Amirah, ang unang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Kasama rin niya sa serye sina Andrea Torres, Bianca Umali, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.

Samantala, alamin kung ano pinagkakaabalahan ng cast ng Legal Wives habang may quarantine:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.