Dennis Trillo, inaming may duda noon sa 'Legal Wives'
Aminado si Kapuso Drama King Dennis Trillo na nagkaroon siya ng duda kung paano makakagawa ng teleseryeng kasing engrande ng Legal Wives habang may pandemic.
Bukod kasi sa pagiging isang family drama, ng Legal Wives ay isa itong cultural series na nagpapakita ng buhay at pag-ibig ng mga Mranaw.
Ibinahagi ni Dennis ang kanyang mga alinlangan noong nagsisimula pa lang ang produksiyon ng teleserye sa blogger's conference ng Legal Wives ngayong araw, July 19.
"Hindi ako magsisinungaling. Noong umpisa kasi itong 'Legal Wives,' pinlano 'to wala pang pandemic. Hindi pa nagisismula, hanggang sa inabutan siya ng pandemic. So inisip ko, kaya pa bang gumawa ng isang malaking teleserye na katulad nitong sa amin?" pahayag ng aktor.
Nawala naman daw lahat ng kanyang pangamba nang mapanood ang ilang mga eksena mula sa show.
"Maraming pagdududa habang gingawa namin pero noong nakita namin 'yung finished product, itong trailer at 'yung mga iba pang eksena parang gusto ko silang i-congratulate," bahagi ni Dennis.
Nais daw niyang pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng Legal Wives dahil nagawa pa rin nang maayos at maganda ang teleserye kahit na maraming limistayon dahil sa pandemya.
"Lahat noong production team, 'yung lahat ng staff at crew--bukod sa amin (actors), sila talaga 'yung naghirap para dito. Sila 'yung pinaka maagang gumigising at pinaka huling umuuwi," lahad ni Dennis.
"Masuwerte kami na kasama kami dito sa isang buong proyekto na 'to. Kahit nasa panahon ng pandemya ay nakapag-produce pa rin sila ng ganitong ka-grand, ganito kalaking show. Thank you, GMA. Maraming salamat!" dagdag pa niya.
Sa kuwento ng Legal Wives, gaganap si Dennis bilang Ismael, isang Mranaw na papakasalan ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na rason.
Makaksama ni Dennis sa show sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at marami pang iba.
Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives sa July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.
May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.