Alfred Vargas
TV

Alfred Vargas, may espesyal na role sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Updated On: June 2, 2021, 03:40 PM
Isang espesyal na role ang gagampanan ni Alfred Vargas sa upcoming series na 'Legal Wives.'

Magiging bahagi ng upcoming GMA Telebabad cultural drama series na Legal Wives si actor-politician Alfred Vargas.

Gaganap siya bilang si Naseer Macadato, kapatid ni Ismael--ang karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Alfred Vargas on Legal Wives

Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah, na gaganapan naman ni Alice Dixson.

Nagbahagi si Alfred ng ilang mga litrato kasama ang ibang miyembro ng cast mula sa set ng serye.

Makikitang kasama niya sina Dennis, Al Tantay, Bernard Palanca, pati ni si Shayne Sava na gaganap bilang anak niyang si Jamilah.

"Macadato Family," sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.


Nakipag-bonding din si Alfred sa mga kasamahan niya sa trabaho noong day off nila.

Kasama niya sina Dennis, Bernard, Kiko Matos at Kevin Santos sa pagbibisikleta at paglilibot sa resort na nagsisilbing set ng serye.

"Work and play with @dennistrillo @bernardpalanca @badassmatos @pilot_kevinreal," bahagi niya sa Instagram.


Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.

Nagbalik na sa lock-in taping ang cast at crew nito noong May 26.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.