Maricar de Mesa, nakikita ang sarili kay 'Legal Wives' co-star Bianca Umali
Ginamit ng co-stars na sina Bianca Umali at Maricar de Mesa ang isang day off sa lock-in taping ng kanilang upcoming cultural darma series na Legal Wives para mag-ehersisyo nang magkasama.
Sa isang panibagong vlog, ibinahagi ni Maricar ang pagsabay niya sa workout routine ni Bianca.
"What a brutal workout with Miss Bianca Umali! Her strength and fitness are quite impressive. This was done during our day-off from the set of GMA's 'Legal Wives' teleserye," sulat ni Maricar sa description ng video na ini-upload niya sa YouTube.
Gaganap sina Maricar at Bianca bilang mag-ina sa serye. Si Maricar ay si Zobaida, habang si Bianca naman ang anak niyang si Farrah.
Bago magsimula sa kanilang workout, bahagyang nagkuwentuhan muna sina Maricar at Bianca.
Ayon kay Maricar, naaalala raw niya ang mas bata niyang sarili kay Bianca.
"Magkamukha ba kami? Sabi nila magkamukha raw tayo. Sabi ko, you're my junior version. Parang ganyan ako noong nagsisimula ako eh. Huwag mo nang itanong kung kailan," pahayag ni Maricar.
"Until now naman. Actually, Ms. Maricar nasaan ba ang fountain of youth?" tanong ni Bianca sa kanya.
"Andiyan lang 'yan. Marami tayo sa maletang baon niyan," biro naman ni Maricar.
Sinimulan ng dalawa ang kanilang workout sa pamamagitan ng pagtakbo bilang warm up.
Bumalik naman sila sa labas ng kuwarto ni Bianca para ipagpatuloy ang exercise.
"Si Bianca, complete siya sa gear. Ang dami niyang weights na dala. I'll try to do some exercises with her," bahagi ni Maricar.
Ipinaliwanag naman ni Bianca ang uri ng eherisyo na gagawin nila.
"Today, it's full body. My workouts are actually isolation. I do one part a day. May routine: legs, full body and then core and then arms and then legs again and then core. Ganoon, but today whole body," aniya.
Silipin ang workout nina Bianca at Maricar sa set ng Legal Wives dito:
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.
Bukod kina Bianca at Maricar, bahagi rin ng serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Al Tantay, Irma Adlawan, Shayne Sava, Ashley Ortega at marami pang iba.
Samantala, silipin ang unang araw ng taping ng Legal Wives sa gallery na ito: