Yasmien Kurdi
TV

Yasmien Kurdi, nagpapasalamat sa mainit na pagsubaybay ng manonood sa 'Las Hermanas'

By Aimee Anoc
Trending ang pilot episode ng pinakabagong drama ng GMA na 'Las Hermanas.'

Labis ang pasasalamat ni Yasmien Kurdi sa mainit na pagtutok ng manonood sa Las Hermanas.

Base sa Nielsen Philippines NUTAM People Ratings, umabot sa 6.3 percent ang pilot episode ng Las Hermanas.

Nag-trending din sa Twitter ang official hashtag ng show na #LasHermanasWorldPremiere.

Sa Instagram, ipinarating ni Yasmien ang kanyang pasasalamat at ibinahagi ang mga reaksyon ng netizens sa serye.

Sa unang episode ng Las Hermanas, ipinakita kung paano pinatay ang ama ng magkakapatid na Dorothy (Yasmien Kurdi), Minnie (Thea Tolentino), at Scarlet (Faith Da Silva) na si Fernando (Leandro Baldemor).

Mapapanood ang Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, mas kilalanin ang Las Hermanas cast sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.